"Darling, where are you now? Gonna find you down in the wishing well..."
Nakapatay na ang lahat ng ilaw. Kanina pa ako nakahiga. Kanina pa ako nakapikit. Halos lahat ng nakakaantok na kantang alam ko, pinakinggan ko na. Nakakapagod ang ganito.
Hindi pa rin dumarating ang antok. Mukhang gumala yata. Saan kaya siya pumunta? Sino kaya ang kasama niya? Anong oras kaya siya uuwi sa akin?
Saan ko kaya siya pwedeng makita? May pag-asa kayang matagpuan ko pa siya? O baka naman, tinulugan niya rin ako?
Dapat, bago mag-alas singko, magkasama na kami.
Lumitaw ka na sana, Tok. Kailangan kita ngayon eh. Maaga pa ako mamaya.














