Kata: Ugat ng Ikaw at Ako
Gusto ko mamuhay sa makulay na mundo Kung saan ang araw at buwan ay pinagtagpo Yung pang-habambuhay na magsasama, hindi na kailanman maglalayo Na sa tuwing linggo, masaya tayong dadayo para sumimba sa Quiapo
Maglalaro sa parke hanggang magkahapo Maghahanap ng manghuhulang magsasabi na sa hinaharap ay magiging tayo Kahit na imahe lang talaga ito Nang aking nakagisnan na tayo
Hindi pala ito ang totoo Dahil minsan man akong naging sayo Sa huli ay hindi pala tayo Ang nagaalab na pagibig sa ating mga puso
Nawala dahil sa oras at mga pangyayaring tumatakbo Iminulat aking mga mata, nilisan ang kathang-isip na ito Na kahit sa hinaharap mananatiling na lamang ang ikaw at ako Na kahit kailan pa man, nanatiling nakaraan na ang tayo












