Kung masakit mawalan ng kaibigan, MAHIRAP AT MASAKIT ang mawalan ng minamahal. Yung taong naging katuwang mo sa hirap at ginhawa. Yung taong handang iparamdam na espesyal ka sa kanya. Yung taong di magsasawang mahalin ka. Yung taong tinuring mo bilang mundo mo. Yung taong madalas mong sabihan ng "I love you". Yung taong nagiging korny mapakilig ka lang. Yung taong dahilan ng pag ngiti mo ng basta basta na lang. Yung taong dahilan ng pag gising mo sa umaga ng nakangiti. Yung taong dahilan kung bakit ka sinisipag pumasok sa eskwelahan. Yung taong minsang ipinagsigawan sa mundo na kanya ka at walang makakaagaw sayo. Yung taong ipinaramdam sayo kung gaano sya kaswerte nung naging kayo. Yung taong may plano para sa kinabukasan nyo. Yung taong ipinagtatanggol ka sa mga taong umaapi at nananakit sayo. At higit sa lahat yung taong mahal na mahal ka. At marami pang iba. Ilang linggo na kong nag susuffer sa sakit na 'to. Pinipilit kong maging matatag tulad mo, pero bakit parang mas lalo lang akong nadudurog. Masakit pero kailangan tanggapin.
Tulad mo friend, nawalan din ako. Masakit sobra diba? Lalo na pag ung taong un sobra sobrang nagbigay ng kulay sa mundo mo. At kahit na parang tinaboy nila tayo bakit handa pa rin tayong papasukin sila sa mundo natin kahit na minsan na nila tayong iniwan? Kasi pag wala sila parang hindi kumpleto diba? At tulad ng sinabi mo, sasabihin ko din sa kanya to.
Kapag gusto mo na ulit akong maging (kaibigan) kasintahan, kausapin mo lang ako ha? Buong puso pa rin kitang tatanggapin .














