Confidence: Ang sikreto ng mga gwapo/maganda
Bakit ganun? Merong mga taong sobrang lakas ng dating. Maraming nagkakagusto sa kanila. Pero kung titignan mong mabuti, parang hindi naman sila ganun kagwapo/kaganda. Kung tutuusin, meron ngang iba na mas maganda pa yung ayos ng mukha(facial features) kaysa sa kanila. Pero kahit na ganun, parang nagiging magkasing level na ng "GWAPO/GANDA" yung mga malakas yung dating tska yung mga facially gifted na tao. Minsan nga nalalampasan pa eh.
Siguro, hindi lang facial features ang basehan ng pagiging gwapo/maganda. Maraming tao ang nagiisip ng ganyan. Porket hindi sila kasing facially gifted na katulad ng sa iba, wala na silang pag-asang maging gwapo/maganda?
Ayusin mo lang yung pananamit mo tska maging maganda lang yung pakikitungo mo sa tao, pwede na. Pero ang hinding hindi pwedeng mawala sayo ay ang "CONFIDENCE". Yan yung aura na mararamdaman mo sa tao. Na kapag nakita mo siya, mapapaWOW ka. Iniisip niya sa sarili niya na "Shet sobrang ganda/gwapo ko.". Lumalabas yan sa pagdadala niya sa sarili niya. Ang confidence ay parang isang non-verbal communication technique. Mararamdaman mo sa body languange niya na sinasabi niyang ang ganda/gwapo niya. Yan ang kailangan mo. Kaya hindi mo pwede sabihin mo sa sarili mo na panget ka kasi lalabas din yan sa pagdadala mo sa sarili mo. Maiisip na din ng mga tao na "Oo nga panget nga siya."
Ang maganda dito sa confidence eh parang nagyayabang ka, pero walang nakakahalata. Kung baga, parang nagyayabang ka lang sa sarili mo tapos nag aagree yung mga tao sa paligid ng hindi nila napapansin.
Kung naging confident ka na at lahat lahat pero hindi mo parin na aachieve yung mga gusto mo mangyari, wag ka magalala. Ang definition ng gwapo/maganda ay iba iba sa bawat tao. May kanya kanya naman tayong taste. Dadating din yung taong mabubulag sayo. Chos! Pero seryoso, may magkakagusto din sayo. Malay mo, baka mamaya marami na palang may gusto sayo, nahihiya lang umamin. Di mo namamalayan, hearthrob ka na pala. :)