“Mahal ko eh"
Parang kapag ganito na ang sinabi sa 'yo ng isang taong may problema sa pag-ibig? Asahan mo ng walang tatangaping payo 'yan. Mapipikon ka lang kung aasahan mong magbabago 'yan. Ang tanging gagawin mo lang ay makinig sa kaengotan sa experience niya. Pagbigyan niyo na sila at ibigay ang moment sa kanila. Huwag mo silang pagalitan or sabihan ng masasamang salita. Gusto lang talaga nila ng makikinig sa kanila.
Parang lahat naman tayo dumaan sa ganito? Nataon lang na okay ang mental state natin ngayon. Kaya naman tayo 'yong may capacity magbigay ng payo at makinig. Hindi naman sa gusto natin silang mapahamak, pero isa itong way para di ka na rin ma-stress at mainis kapag sinabi mo na lahat ng alam mong words of wisdom tapos sa huli alam mong babalik at babalik lang siya sa piling ng taong pinoproblema niya. Believe me, sila mismo ang mag-decide sa sarili nila kung kailan sila aalis. Kapag talagang nasaktan na sila, napagod, at na-realize na hindi na worth it lahat ng iyak nila sa taong 'yon. So kung patuloy ang kaengotan na nangyayari? Baka mahal pa niya talaga? Lam mo na, luma-love endures all things pa ang peg niyan.
Ang mensahe ko naman sa taong pinag-uusapan namin dito. Go lang. As long na hindi ka pa tuluyang nababaliw, as long na willing ka pa rin mabuhay at maging masaya at your own phase edi go, stay engot. Pag napagod ka na edi at least, alam mong hindi talaga kayo sa huli. Malay mo nga naman biglang mag iba ihip ng hangin at bigla nilang i-reciprocate yung pagmamahal mo 'di ba? Alam ko na sa huli ay mas magiging matibay kang tao dahil darating 'yong araw na ikaw mismo ang magliligtas sa sarili mo. Ikaw mismo ang mag dedesisyon na tama na ang kalokohang ito at sarili mo naman. Once na dumating 'yon? Yun ang time na masasabi mong pinili mo naman ang sarili mo. Doon ka pa lang mag-start mag-heal for good. I just hope na makita at maramdaman mo 'yong legit na love. Kasi masaya siya at hindi 'yong nararamdaman mo palagi na kalungkutan. Ang totoong nagmamahalan? Isa lang ang gusto niyan. Yung parehas masaya lang sila sa isa't isa.
Yung kahit walang sinasabi, nararamdaman mo. Hindi mo laging dapat patunayan. Hindi ka hihingi ng pasensya dahil nagmamahal ka lang. Yung hindi mo laging kalaban ang sarili mo tuwing gabi asking what went wrong? Nagmahal ka lang naman?
Di kita pinagbabawalan sa kaengotan mo, pero sana magka-idea ka man lang. Yung mga pananaw mo na ipaglalaban mo hanggang sa huli dahil mahal mo? Tama 'yon. Pero valid lang 'yon sa dalawang taong nagmamahalan.













