MMA Fest.
May MMA Fest daw sa April 3-5 ata sa SMX. Ang pagkakaalam ko, exhibit yun ng MMAs ng Benilde. Nagkakayagan, nagpplano. Bale hindi ako kasali talaga sa planong yun, pero gusto kong pumunta. Sina Aira at Maica lang ang naguusap usap. Si Bes naman, nagyayakag din kina Juls. At ayoon nga, after ng finals sa Animat kanina, kinausap nina Aira si Sir, nagpapasama ata kasi pupunta silang Benilde ng umaga tapos derecho nang SMX after, yun kasi pala ay gabi daw ang start -- mga 6, sabi ni Sir. E di ayos naman papunta dun dahil parang magiging bisita ni Sir dahil nga nagtuturo sya dun, medyo easy access. Sasamahan na din daw ni Sir sa SMX. Ang bait lang ni Sir Moso! *hands down*
Tuloy pa 'rin ang kwentuhan, hanggang sa makarating kami ng MCDO. Plano plano hanggang sa niyakag ako ni Aira sa Fest, gusto ko talagang pumunta kaso wala lang makakasama, sakto namang nagyaya nga si Aira kaya ayooon! Solb! Magkakasama na kami. Pupunta muna kaming Benilde sa umaga then sa Fest na. Sana lang ay maging maayos :)












