Ghosting.
Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit ang dali lang para sa ibang tao na gawin to sa iba.
Yung araw araw kayo mag-kausap tapos biglang isang araw wala na siya. Paano nya nagawang bitawan ka nalang ng ganon ganon lang? Na may mga bagay kayong napagusapan together, mga bagay na ibinahagi sa isa’t isa. Nagkakilala, nagsama. Naging magkaibigan tapos isang araw tapos na.
Tapos mararamdaman mo na yung taong binuild up mo sa isip mo hindi pala totoo. Na itong taong ‘to who used to be part of your daily routine eh suddenly disappeared. Nang walang pasabi. Walang notice. Walang warning. Mabuti pa sa job application saka sa college entrance exam may rejection notice.
Ganito nalang ba tayo ngayon? Na kapag ayaw mo na sa isang tao bigla mo nalang iiwan. Na parang wala lang?
Alam mo kung ano yung masakit? Kasi you were dismissed. Dropped. Ganon lang. Masakit lang kasi wala man lang binigay na reason. Na araw araw iisipin mo where did I go wrong? What happened? Bakit naman ganoon.
Sana ikaw na nagbabasa, kung ayaw mo na, magsabi ka. Yung totoo. Kasi deserve natin lahat bigyan ng rason kung bakit isang araw ayaw na nila satin.
Bigay mo naman kahit yun lang.













