Mt. Daguldol San Juan, Batangas Philippines

seen from United States
seen from United States

seen from China
seen from China
seen from Russia

seen from Malta

seen from Italy
seen from China
seen from Malta

seen from United States
seen from France
seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from United States
seen from China

seen from Australia
seen from Canada

seen from Malta
seen from China
Mt. Daguldol San Juan, Batangas Philippines
Mt. Daguldol
exactly 1 week ago sa ganito ring oras (mga 8 o 9 ng gabi), naglalakad kami sa baybayin.. madilim at ang tanging tanglaw ko lang ay ang lumang flashlight ko... maliit lang ang bilog ng liwanag nito na "aandap-andap" pa. umaambon pa nun.. tsk tsk tsk. torture. kakagaling lang namin sa pamumundok, este hiking pala sa Mt. Daguldol sa Laiya, Batangas. kumusta ang hiking? grabe, nagpapasalamat talaga ako na hindi sa amin pinadala yung lahat ng gamit namin. grabe. walang sinabi yung mga pinagdaanan ko na lakbay trips nung high school. chicken feed.. parang lakad lang sa parke yung mga yun kung ihahambing mo sa dinanas namin sa Mt. Daguldol. umalis kami sa campsite na medyo masaya pa.. sumakay sa bangkang naghatid sa amin sa paanan ng bundok. akala ko madali ang hike. well oo, inaasahan ko na mahirap rin yun pero yung hirap niya baka kako kering-keri lang. nagkamali ako. sobra. Ang liit ng trail.. puro jebs pa ng kabayo na kasing-laki ng plato. pang one way human traffic lang. akala ko patag lang yung trail.. lammo yun. tsk tsk tsk. taas-baba, liku-liko, mabato, maputik.. basta lahat na ang adjectives na pwede mong gamitin sa mounting-trekking, ma-aapply mo dun. ayon sa nabasa kong website, nagboborder lang sa level 1 at level 2 climb ang "difficulty" ng Mt. Daguldol. ibig sabihin, madali lang.. para sa mountaineers. 2 hours lang ang kailangan ng isang experienced climber para maakyat ang golf-course.. este summit ng bundok (bakit kamo golf course? mamaya.. ikukwento ko) pero para sa mga ordinaryong mortal na sedentary ang lifestyle tulad ko.. 4 grueling hours. wala na akong sense of time habang umaakyat dahil mas inaalala ko ang pag-iwas sa jebs at paghahanap ng mainam na matatapakan. hehe.. wala kasi akong insurance, nag-lapse na. baka kako mahulog ako.. tsk tsk, walang makukuha si mama kung nagkataon. habang nagde-death march, naramdaman ko na lang na medyo dumiidilim at lumalamig.. (hmm dahil kaya malapit na kami sa ulap?) yung bag kong dala parang may lamang bakal,ang bigat. pinadala ko na nga lang kay gerald... hehe, salamat gerald! maganda ang summit. 705 meters daw ito above sea level. may baka, baka ulit, puno at sobrang daming damo.. hmm tsaka yung makukulit na halamang dumidikit sa damit.. amorseko yata tawag dun. rolling din ang landscape parang golf course. may mga tuyong tae rin sa paligid.. kung ilalako ang mga ito sa merkado, ang commercial name siguro nito ay dessicated excrement. hmm.. may isang puno na kalbo sa pinakataas nung "burol". etong mini-burol na to ang pinakamataas na bahagi. dito kami nagpahinga pagkatapos pudpurin ang paa kakalakad. ang saya talaga ng feeling na maakyat yung summit. grabe, inipon ko ang lahat ng natitira kong lakas at patakbong inakyat yung pinakatuktok (yeah.. tunog korni pero ito ang "moment" na dapat tugtugan ng victory music sa background). so ayun nga, malamig ang paligid. daig ang centralized aircon. medyo foggy na rin kasi parang kapantay na namin yung mga low-lying clouds. ewan ko ha pero may lakas pa yung iba para mag-picture taking. grabe.. bilib talaga ko sa mga yun. wala pang isang oras ay bumaba na kami. goodbye na sa mga baka at damo. hello ulit sa mga bato at taeng mas malaki pa sa circumference ng standard toilet bowl. ang gravity, both friend at enemy. friend kasi madali na pagbaba.. enemy kasi pag hindi ka maingat, human bowling ang aabutin ng grupo.. wheeee.. sa ibang araw ko na itutuloy ang kwento.. haba na e. *UPDATE*hindi ko na maitutuloy yung kwento kasi nakalimutan ko na. haha. aakyat ulit kami sa mt. daguldol!!
Mt. Daguldol: Trekking in the rain
Brgy. Hugom, San Juan, Batangas Ph
26 August 2007