Last words.
Parang mamamatay lang ahh.
Hahaha. Kanina nung pauwi na. Sumakay ako sa jeep, nauna na ako. Kasi nagmamadali ako kasi may pupuntahan kami ng mga pinsan ko at ni ate lloyd. Unfortunately, di natuloy. -_-
Kanina, nung pauwi na, sumakay ako ng jeep at nag buh-bye na sa kanila kasi maglalakad na lang daw sila. Kaso nung makita ko na, sumakay sila sa susunod na jepp. Wow lang! As in, grabe! Ang bait talaga nung nakaisip nun!
Edi ayun, magisa ako sa jeep. Loner at napagisipan kong bumaba! Nung nasa jeep ako magisa, hindi ko na naisip yung pamasaheng masasayang ko kung bumaba ako sa jeep na yun at sumakay sa jeep na kasama nila. Nasa isip ko, hindi matutumbasan ng kahit magkanong pamasahe ang mga oras na makakasama ko yung mga kaibigan ko sa mga huling minuto ng junior life ko.
Pagkababa ko, nagulat ako sa kasunod na jeep kasi yung boys lang yung nadun, wala sina gadie, yoya at maia. Haist, akala ko naglakad sila, nasa kasunod na jeep pala, edi sa kanila ako sumabay.
Pagkababa ko, ang mga huling salita na narinig ko sa kanila "bye" tapos meron ding "kita kita sa april 4", meron ding "mamimiss ko kayo"
Nasa kasunod naman na jeep yung boys. At yung mga huling salitang narinig ko sa kanila "Ang bobo mo!" meron ding "Bobo mo gagi!" tapos si wilson naman tumatawa.
hahahhaha. sobrang natawa talaga ako nun. Inaasar nila ako kasi bumaba pa ako nung isang jeep para lang lumipat sa isang jeep.
Awww. Ang saya talaga ng Junior life ko. Masaya din sya parang sophomore life ko. Though, pinakamasaya pa ring yung sophomore. Pero napaka napaka napaka napaka saya talaga ng junior life ko.
Basta, Best 2 years of my life ko yun!
ES2 forever <3
Goodbye Junior, Hello Senior!
Together forever, but forever is just the beginning!
















