Walang Ganap
Kasalanan ko na nahulog ako sa iyo. Inakala ko kasi na iyung pagkakaibigan natin ay matutuloy sa pag ibig, ako lang pala yun. Kaya heto, ngayun nag iisa kong dinaramdam ang sakit ng pagkabigo dahil sa mali kong akala. Habang ikaw ay nakalutang sa ulap sa bago mong pag ibig. At sa bawat ngiti mo habang nagkwekwento ay siya namang kirot sa aking puso. Paano nga ba nagsimula ang lahat nito? Hindi naman naging tayo, dumating nga lang sa punto na araw araw na tayo ay magkasama, magka text, magka messenger hanggang sa madaling araw. Dumating pa nga sa puntong nagpapaalam tayo sa isa't isa kung saan tayo, sino kasama natin pero lilinawin ko lang ha, hindi tayo. Pinilit ko naman umiwas sa ganitong sitwasyon, pinilit ko i-diffuse iyung tensyon o kung ano man sa ating dalawa, pero ganito pa din, nahulog pa din ako. Ang hirap pala, na mag isa kang nasasaktan sa isang relasyon na hindi naman naging ganap.












