Hi! Matagal na rin ako di nagpopost ng personal dito, kasi nakikipagsapalaran ako sa tunay na buhay. Kaya ito, bumabalik ako sa mundo ng teknolohiya upang ma-keep in touch parin ako sa mga tao na tumatangkilik ng tumblr. (haha)
Gusto ko lang ishare sa inyo ang kasalukuyan kong nararamdaman sa mga pangyayari sa buhay ko ngayon.
Oo, Masaya ako ngayon. Masaya ako una, kasi dininig na ng Panginoon ang aking hiling na magkaroon ng trabaho. Sa totoo lang mga unang araw ko palang dun, gusto ko na mag-quit. Ako kasi yung taong madali lang sumuko lalo na sa mga situation na bago mo lang nararanasan. Pero habang tumatagal, mas lalo kong ineenjoy ang aking trabaho. Binibigyan ko na ng Dedication di lang dahil sa Pera, dahil sa ito yung gusto kong gawin. Parang nawala na sa isip yung takot ko na sumuko sa mga bagong situations sa buhay ko and with that, naka-2 sweldo narin ako at sa totoo lang di ako satisfied pero okay lang naman kasi kakasimula ko pa nga. First ko pa eh. Pero masaya ako, kasi yung pinagako ko sa sarili ko na ililibre ko ng dinner mama ko, natupad yun. Kahit sa sandali na yun, yung ngiti na nakita ko sa mama ko, iniisip ko na mas lalo pa akong magiging dedicated para mas lalong maging okay ang buhay.
Oo, Malungkot rin ako kasi namimiss ko ang mga taong mahal ko, ang mga kaibigan ko. Ngayon ko lang naranasan sa tanan buhay ko na di ko na parati nakikita mga kaibigan ko. Nakakalungkot diba? Wala naman rin akong kaibigan sa trabaho kasi 3 lang kami sa department tsaka mga matanda na! Ka-sad ng life ko, pero ika nga na baka may Purpose ang Panginoon kung bakit ka nagiisa ngayon. at may isa pa akong nararamdaman, nagtatampo rin kasi ako sa mga taong malapit sa akin kasi di na rin nila ako kinakamusta kahit sa text o tweet man lang. Pero siguro baka busy lang sila, pero kahit na diba nga may kasabihan na "Respect people who find time for you in their busy schedule. But love people who never look at their schedule when you need them."