#My10YearChallenge 😅 Ano ba ginagawa ko nung 2009? Ah, I was still working sa 1st BPO company na nag-hire sakin. I was selling “Vacation Ownership” or “Timeshare” kapalalit ng 3d2n vacay na nakuha ni customer sa pag-attend ng ganun din. 😂 Walang QA, puro rapport lang. Nakakatuwa. Savannah pa ang American name ko nun. 🤣 Aga-agang #throwback naman nito. 😭 Pero sino ba mag-aakala. After 10 years pala, ikakasal din ako. Childhood dream ko ang maikasal. Eto yung pangarap na kailangan ko ng isang tao para matupad. Mahirap siya. Kasi kung tipong maging successful lang ang pangarap ko, sipag at tiyaga at pananalig kay Lord, makukuha ko yun. Pero ang maghanap or mahanap ka ng isang tao tapos piliin nya na makasama ka habang-buhay at ipaalam nya sa lahat kung gaano ka nya kamahal, kay Lord lahat yun. Kahit gaano ka kasipag at katyaga kapag sinabi ni Lord na, “No” or “Not now”, wala ka magagawa. Kaya sabi ko sa vow ko, “The Lord is faithful.” More than 20+ years ko pinag-pray na bigyan nya ko na makakasama sa buhay na ilalapit ako lalo sa Kanya. Pinakilala Nya sakin nung 2016 tapos tinupad nya prayer ko nung 2019. 💜💜💜 Ang dami ko kuda. Hahah! Wala lang. So ayan, yan ang #10YearChallenge ko. 😅😂🤣 https://www.instagram.com/p/B6y3gGnB76i/?igshid=1udebku06usf2
















