(2:00am-3:00am) Di ako makatulog kahit tulog na si Mico, nasanay nalang siguro ako na ganitong oras gising pa. nag lalaro lang ako sa phone hanggang makatulog ako.
(9:00am) Pag gising ko. Gumawa ako ng portfolio sa pre-cal isang lesson lang then nakipaglaro kay Mico tapos mga 11-00am nagready na for school.
(12:30pm-1:15pm) Hinintay ko pa si mama bago umalis kaya sure na kong ma lelate ako kulang kasi baon ko kung di ako makakahingi sa kanya.
(2:20pm) LATE. nagmamadali pa ko pero late padin sabi ko pa naman ang bilis ng byahe. Goodnews, wala teacher namin sa Filipino kaya ok lang. Halos lahat sa room nag cecellphone lang tapos yung iba nag uusap lang. Paiba iba sinamahan ko, Una kila Adam(c-mate kong mataba at mabait ) tapos sa grupo nila Charlie (c-mate ko na wala kong masabing masama).
(3:00pm) Lumabas kami sa gate ng TIP kumain sa labas kasama si Lemuel at si Macatantan. Kanya kanyang diskarte para makalabas medyo maaga pa kasi kaya nagpanggap kaming pangumaga. Hiwalay pa sila ng kinainan. Ako kalamares lang busog kasi ako di ko nga alam bat pa ko sumama.
(3:30pm) Pumasok na kami. Tambay muna sa room tapos naisip ko yung reporting ng group namin sa pre-cal kaya pumunta ko sa faculty nila Ms.Shine (Pre-cal Teacher) pag punta ko sabi wala daw kaya naisip ko na baka may klase pa.
(4:00pm) Bumalik ako sa faculty tapos yung teacher na parati kong pinagtatanungan yung pinagtanungan ko ulit, di ko alam name niya eh. Sabi ang kulit ko daw wala nga. So tinanong ko kung wala as in absent then sabi nya yes. Exited pa ko bumalik sa room para sabihin ang another good news. Tapos nakita ko yung grupo nila Jollibee(nick name ng c-mate ko) tapos umupo ako sa tabi nila tsaka sinabi yung sinabi sakin ng teacher. Sa kanila ko muna sinabi kasi baka sabihin bida-bida ko okaya naman biglang nandyan pala si maam masabihan pakong paasa. Tapos sabi ko iconfirm nila sa faculty tapos yun sumama ko. Then ayon wala nga si maam tapos sila na nagsabi sa loob ng room.
(5:00pm) Naglaro lang kami ng UNO cards sa loob ng room ( di ko alam pano ilalagay yung pictures) ang dami namin tapos medyo maingay. Hanggang mag uwian na.
(7:30pm) Nakauwi agad kami ng maaga. Walang pila sa gateway eh. Tapos pag uwi kain. Tinulungan ko din si Rhia(Pangatlo saming magkakapatid) sa assignment niya. Then computer ng isang oras.
(11:30pm) Tulog agad medyo maaga kasi pasok samin pag Saturday. Dapat talaga mga 1 pa tulog ko kahit Friday eh kaso nilamon ako ng kama nung mahiga ako.