Siguro hindi ko na kinaya pakisamahan ung asawa ng Tatay ko I mean ung madrasta ko, ever since hindi siya naging Nanay sa akin. Gaano ba kahirap na ituring akong anak? Minalas nga lang ako siguro kasi hindi naman lahat ng MADRASTA ganyan ang ugali. I mean she's the typical step-mother hindi ko na i-elaborate basta ganun siya.
Don't worry guys umuwi na ulit ako kasi isang sem na lang graduate na ako kaya unting tiis na lang, ako rin kasi ang magsusuffer sa bandang huli. I need to prove na may pangarap ako, kailangan kong magsumikap para sa future ko.
Ang dami kong na realized after kong maglayas, tama nga ang sabi ng Mamita ko na wala pa akong pakpak para lumipad tapusin ko lang ang sem. na ito ituloy ko na ung paglalayas ko.
Medyo lumaya ang loob ko sa Tatay ko sa kabila ng pagtanggap niya sa pagiging bakla ko, ang problema kasi sa kanya wala siyang sariling desisyon lahat dinedepende niya sa asawa niya, masakit mang sabihin UNDER siya pero wala na akong magagawa ANAK LANG KASI AKO mas lamang ang asawa.
Alam ko magiging maganda ang future pagsasabayin ko ang pagiging MAABILIDAD at MADISKARTE. Promise! Makikilala ako sa industriya na to' sisikat ako balang araw at babalikan ko tong entry na ito.