ang isang tunay na indikasyon ng totoong pagmamahal ay kapag nasasaktan ka ay nasasaktan din sila. kaya sinasabi nilang ang tunay na nagmamahal sa'yo ay 'di ka sasaktan dahil sa prosesong ito ay sarili lang din nila ang masasaktan nila. (at bilang tao nga iniiwasan natin 'yun.) ang relasyon mo sa mga mahal mo sa buhay ay pagturing na ikaw ay ka-parte nila. halimbawa, isipin natin sa literal na aspeto; ang katawan mo at kaluluwa mo ay nakakonekta sa kanila. iisa kayo. oo, maaaring may maraming pagkakaiba at ito'y nagbibigay ng dynamics sa isang relasyon pero ang pinaka-"core" niyo ay iisa ang kulay at itsura. iisa ang dinadaluyan ng inyong dugo. iisa ang pinanggagalingan ng mga idea sa utak na ang inyong values at belief system. kahit ito'y isang mito lamang ang isang maganda at madalas na ginagamit na halimbawa sa phenomenon na ito ay ang Symposium ni Plato kung saan lahat ng tao raw dati ay apat ang paa, braso, mata, tenga, dalawa ang ilong, atbp. ngunit hinati ng Dios para hindi sila maging ganoon ka-makapangyarihan para kalabanin ang mga dios at ang mga nilalang na ito ay gugugulin ang buhay nila matagpuan lang ang sinasabi nilang "other half." maaari rin nating kunin mula sa kwento ni Adan at Eba na si Eba'y hinugot mula sa tadyang ni adan at ang mga susunod na mga tao ay nanggaling na kay eba. kahit ang teorya ng ebolusyon tinuturo pa rin tayo sa iisang pinagmulan - si Mitochondrial Eve. lahat ito'y magpapatunay rin na bilang mga tao - hindi lang sa mga taong malalapit sa atin kung 'di sa lahat ng kauri natin (maging lahat ng bagay dito sa universe) - tayo'y iisa ang pinanggagalingan. at ang paglimot sa katotohanang ito ay pagpapabaya sa dapat lagi mong tinatandaan as you walk this life - na hindi dapat tayo nananakit ng iba (at least try our very best not to). this is the ultimate reason why there are wars and famine in this planet. in relation to that, kapag may mahal kang tao or you say, hindi lang sila basta ka-konekta mo biologically, mas malapit din sila sa'yo mentally, emotionally and spiritually. so not to say that you should care about strangers less but dapat ma-realize mong mas malapit kayo sa isa't isa so there will be more effort to inflict less pain upon them. you're not perfect and so are they. pero hindi naman 'yun dahilan para sayangin mo ang buhay mo o hayaan dumaan ang mga araw na alam mong nakakasakit ka ng iba. ang totoong nagmamahal ay tinitingnan ang iba bilang ang iyong sarili. sabi nga sa bibliya "love others like yourself." yes, it is okay and it is actually a commandment to love yourself unlike what some people are saying that it is vanity but as you do, gawin mo rin sa iba. kaya kapag may mahal ka at nagsasabing mahal ka rin daw nila pero patuloy ka namang sinasaktan nang walang pangako ng pagbabago o kung meron man ay puro salita lamang, hindi ka nila kasing mahal kagaya ng sinasabi nila sa'yo. (may padding na ito at gusto lang nilang sabihin ang mga gusto mong marinig usually to protect themselves.) mas mahalaga para sa kanila ang sarili nilang interes at hindi nila nakikita ang sarili nila sa'yo bilang ka-parte ng pagkatao nila. okay lang magkamali, tao tayo at natural 'yun, pero ang pagkakamali na intensyon mo nang makapanakit (because somehow it gives you the illusion of power over others?) at patuloy na paggawa ng mga bagay na kontrolado mo naman ay ibang usapan na. walang taong deserve masaktan kahit ang mga taong mahilig manakit pero ang katotohanan ay - kaakibat ng pamumuhay na pinaghaharian ng Pagmamahal ay ang pagiging matapang na harapin at labanan ang mga sariling kahinaan. ang kabaliktaran nga ng pag-ibig ay takot at kawalan ng pakialam. walang taong deserve masaktan; keep that in mind. at kung tingin mo okay lang gawin ang gusto mo basta nagiging masaya ka kahit nasasaktan ang ibang walang masamang ginagawa sa'yo, also keep in mind that stepping on others' happiness to achieve your own happiness would only grant you short term happiness dahil totoo ang karma. what you give will come back to you. also, do not ask for anything you're not willing to give. sabi nga ni piolo sa starting over again, "anong karapatan mong hingin ang isang bagay na ipinagdamot mong ibigay." at kung ikaw naman ang taong pa-martir at pakiramdam mo ay pagod na pagod ka nang magbuhos ng pagmamahal na tila binabalewala lang, isipin mong ang pagiging mabuting tao ay long term ang benefit. dadating ang panahon na babalik lahat sa'yo. sabi nga ni jm de guzman sa ttct, "'yang ganyang klaseng pagmamahal imposibleng 'di babalik sa'yo. 'di siguro galing sa taong inaasahan mo pero babalik sa'yo." always strive for the long term benefits. at tandaan mong na Pag-Ibig comes in so many forms. do not focus on one thing. it branches out from so many things. always expanding and never shrinking. it's always present everywhere. you just have to be there. hindi ka matatalo sa pagiging matinong tao kahit pa abusuhin ka nang ilang ulit. may kanya kanya lang tayong time for self-realization.