Second day na First day...
...dahil eto na yung official start ng classes :D Estimated travel time ko is 2 hours (ganyan katagal in case na heavy traffic), ang preparation time ko is 2 hours din, at ang pasok is 12; ibig sabihin, 8 ako nagising XD.
Parang ang aga masyado no? Baka excited lang XD Joks. Keribels naman.
I-skip ko na yung sa biyahe XD
AYAN! Di ko alam yung oras noong nakarating ako sa UST pero punta agad sa Main building. May nakasabay ako sa pagpasok sa building na ka-block ko din. Nagsabay kami papunta sa room 135.
Pagkarating namin dun. Nakasarado yung pinto. Ang ginawa ko, pumasok ako. Naglakad ako hanggang sa stage (atleast malapit lang sa pinto.) Nagsorry ako kasi lahat nandoon na ata, akala ko late na ako, yun pala, yung morning class pala yun XD Napahiya ako, mamaya pa pala ang 12. Eh diba di ko nga alam kung anong oras ako dumating? XD Kaya ayun, nagsorry uli ako at lumabas.
So pagkalabas ko, kinausap ako ng dalawa pang ka-blockmates ko (bale 4 pa lang kami doon.) As usual, introduction, usap usap din. Bale si Jen, si Lorraine at si Irish ang mga nakausap ko. Pagkatapos kumain na muna kami ng lunch. Hintay hintay din.
Basically, yung ginawa lang naman ngayong araw ay introduction, at groupings (except nga lang sa Philosophy at Theology subjects namin XD Walang prof eh.)
Masaya naman ang first day, madami akong nakilala, ang babait pa nila :D Maaga din yung uwian \m/