I will always feel the same.. Love you forever and forever.

seen from Malaysia

seen from Italy
seen from United States

seen from Guatemala
seen from Netherlands
seen from Netherlands
seen from Italy
seen from Latvia
seen from Algeria
seen from United States
seen from Netherlands
seen from Italy

seen from Türkiye

seen from Brazil

seen from Singapore

seen from Germany
seen from Maldives

seen from United States

seen from Malaysia

seen from Greece
I will always feel the same.. Love you forever and forever.
And maybe I haven't moved on since that night. :):
The silence isn't so bad, till I look at my hands and feel sad, 'cause the spaces between my fingers are right where yours fit perfectly.
You still have all of my hearrrrrt :(
I never should've let you go.
June 28, 2013
Okay, Friday 'yang araw na 'yan, naalala ko pa. Dahil may mga ginawa ako kinabukasan niyan kasama si Nikolai.... Friday.. Pumasok pa ako ng masaya nung umaga, walang problemang iniisip, masaya lang.. Lunch break, dito nagsimula lahat ng problema nung araw na 'yan.. na hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan. Bumaba ako ng canteen kay Nikolai, pero pupunta naman ata siya sa SR, medyo nagtampo ako kaya pumayag na lang ako, sige, akyat na lang sa wala, okay lang naman sa kanya eh. (Kahit hindi sa'kin) Nung mga nakaraang araw niyan, weeks, nags-stay talaga ako sa school, para makasama siya, pero kadalasan 'di naman niya ako pinapansin. Naalala ko pa 'yung may sakit siya, dinalaw ko siya kasi gusto ko talaga siya makasama, pumunta si Jhunie nun sa school para makipag-BM sana, pero hindi ako sumama sa kanila, dahil mas gusto ko muna talaga makasama si Nikolai lalo na hindi naman maganda pakiramdam niya. :( Naalala ko lang.. Balik sa June 28. Pag-akyat ko sa taas.. Nasa tapat ako ng Melanesia, kasama sila Miguel.. Eto si Trisha.. Pumasok kami sa room ng Mela, nagstart siya magtanong ng kung ano ano.. "Mariane, bakit parang iba na si Nikolai?" Sinasabi ko na lang na.. "Oo, alam ko naman yun." Kasi wala naman na sakin yun, madalas ko na din yan nasabi kay Nikolai, at iniintindi ko na lang talga siya, sobrang naiiyak na ko sa unang tanong pa lang ni Trisha.. sumunod pang mga tanong.. "Bakit parang ikaw na lang yung kinikiig, kay Nikolai parang wala na yung mga ganun?" at isa pa.. "Bakit parang ikaw na lang yung nagmamahal?" Naiyak na talaga ako... Alam ko sa sarili ko mahal ako ni Nikolai eh, kahit hindi na niya yun madalas sinasabi, nararamdaman ko sobra.. Naiyak na lang ako sobra, ang dami ko naisip. Natakot din ako na pano kung isang araw hindi na niya talaga ako mahal, bumalik ako sa room namin umiiyak pa rin.. Dumating si Nikolai sinabi yata sa kanya na umiiyak ako sabi niya, "Ohh bakit ka umiiyak?" Sabi ko na lang, "Napuwing lang ako." Tapos inaasar asar na niya ako pero alam kong alam niya na hindi totoo... Wala na 'yun, akala ko lilipas na 'yun, tapos nung uwian sabi ni Kolai sa'kin "Nagseselos ka daw sa SR, kaya ka pala umiyak. :))" Tinanggi ko, di naman ako nagselos, sa kanya ako nagtampo pero hindi ko yun sinabi sa kanya.. Hinatid niya ako sa SM dahil sasamahan ko mag-grocery lola ko, pero di na siya sumama kasi uuwi na daw siya, magpapahinga.. Alalang-alala ko 'yung galaw niya nun, yung huling kaway niya sakin, yung nakangiti pa siya habang kumayaw pagpasok ko...... Wala akong kaalam alam na mawawala na siya nung araw na 'yun, di ko alam na last na pala 'yun, bumili pa ako ng chocolate "peace offering" ko sana para sa kanya.. Kaso nung gabing magkausap kami... Tinanong niya kung bakit ba talaga ako umiyak... Nagkwento ako, pero..... Hindi ko alam na magagalit siya sa mga sinabi ni Trisha.... Hindi ko na lang sana kinwento, sana di na lang ako umiyak para hindi yun nangyari, hanggang sa sobrang inis na siya sinabi na niya na.. "Maghiwalay na lang tayo. Tinry ko na ayusin lahat pero wala talaga, mukhang di ko na talaga mababago isip niya nun, nakipagkita din ako nun sa kanya kinabukasan, kahit medyo alanganin, at gagabihin... 'Yan yung araw na hinding-hindi ko makakalimutan sa 2013.
Miss na miss na kita, Nikolai..
Mamimiss ko isayaw yung kasayaw ko 2 years na pagdating ng slowdance. My dancer, my lover. :(
I've always wanted you.