Thankful akong nagkakilala tayo. Masaya ako na close tayo kahit papano, pero nakakalungkot din kasi hanggang doon lang. Ang sakit din kapag binubungaran mo ko ng mga kwento mo tungkol sa mga nagiging crush mo dito sa campus. Pero para sa kin, masaya na kong ganun, na kinakausap mo ko. At least alam kong may part ako sa buhay mo, as your friend nga lang. Saklap, pero masaya, ewan. Mixed feelings… Di mo ba napapansin? Lagi nga kong nag-aayos at nagpapaganda pag alam kong may dinner tayo o posibleng makita o makasalubong kita around campus. Lagi kitang naiisip. Natutuwa ako pag nakikita kita, pag nagkakasalubong tayo, pag nagkakausap, pag tumatambay, pag nagdi-dinner tayo, pag hinahatid nyo ko…sa madaling salita, sa tuwing kasama kita. Wala akong lakas ng loob na umamin sa yo. Di ko kasi alam pano ako gagawa ng paraan para maging mas close pa tayo, nahihiya ako. Naduduwag ako. Napanghihinaan ako ng loob. Baka kung ano pang isipin mo. Baka ma-awkwardan ka lang, at makaapekto pa sa friendship natin. Sabi ng isa ko pang kaibigan, baka naman mawala ka pa. Eh pano mawawala, di ka naman akin. Di ba? Hindi stereotype na babae ang nanliligaw sa lalaki, at oo, dapat lang na pwede kaming manligaw! Kasi naman eh, ang unfair. Kayo lang bang mga lalaking pwedeng gumawa ng move? Tapos kami, nganga lang, ganun? Masakit na ganun ang nakasanayan ng lahat. Gusto kong baguhin yon. Crush na crush kita, pansinin mo naman ako oh. Ma-weirdohan ka na’t lahat, pero nagpapakatotoo lang ako. Wag mo sanang masamain, at kung wala talagang pag-asa…okay lang. Wag pilitin ang di pwede. Pero sana walang magbago sa friendship natin kahit malaman mo. Kung hindi naman meant to be, eh di hindi. Uso naman mag-move on. -crush confession, 11152015








