Kapus-palad
Para sa akin, isa sa pinakamalaking problema ng bansang Pilipinas ay ang kahirapan. Maraming mga Pilipino ang naghihirap lalo na sa kasalukuyan, ito ay ang mga taong walang trabaho, walang makain, walang tahanan, walang sapat na pangangailangan, dahil dito, maraming bata ang hindi nakakapagaral at napapabayaan na lamang ng kanilang mga magulang. Marami ring mga kabataan ang maagang nabubuntis at nagkakaroon ng sariling pamilya na isa ring dahilan sa pagkakaroon ng malaking populasyon sa bansa. Marami rin ang mga taong walang disiplina na madalas nakakaapekto sa ating kapiligiran, tulad na lamang ng mga pagtapon ng basura sa daan, pagtawid sa maling tawiran, pangaaway sa kapwa, at iba pa. Sa aking palagay, para masolusyonan ito ay kailangan natin ng matino at tapat na gobyerno na makakatulong sa atin para malagpasan ang kahirapan sa bansa. Ang pagkakaroon ng libreng edukasyon sa mga batang nasa lansangan ay malaking tulong sapagkat maraming bata ang nangangailangan at naghahangad nito para sa mas maayos pang kinabukasan. Isa rin sa solusyon ang pagbibigay ng mga opurtunidad sa mga taong walang trabaho na tila nangangailangan ng pera sa pangaraw-araw na pamumuhay. Panghuli, matuto tayong magsumikap at magtiyaga sa bawat pangyayari sa ating buhay sapagkat lahat ng bagay ay pinaghihirapan at hindi basta basta pinapakawalan.





















