Hi. Umpisahan natin dito.
Ako si Challa 25. Isang babaeng nabulag at nabubulag pa din ng pag-ibig at nagmahal, nagmamahal ng iisang tao lang sa loob ng sampung taon. 10 years. Imagine? Bata pa lang ako, alam kong mahal ko na siya. Bata pa lang ako, alam kong sya na pero bata pa lang din ako, alam kong hindi na nya ako magugustuhan. Pero..
Ako kasi yung tipo ng babaeng hindi mo mapapansin kasi mukha akong masungit, mataray, palaban pero pag nakilala mo na ko? Sobrang gulo ko. Sabi nila mabait daw pero parang hindi naman. Pero totoong palaban ako lalo na kapag nadedehado na yung mga taong mahal ko. Kaya ko lumaban para sa kanila kung kailangan.
Pero.. Day 45 na pala simula nung nagdecide tayo no? Nagdecide na tayong lumayo sa isa't isa. Kalimutan lahat ng nangyari. In short, mag move on. Mag move on na para bang walang nangyari. Sa totoo lang? Yung araw na yun yung isa sa pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Yung araw na yun yung una akong nakaramdam ng sakit na para kang tinutusok pero namamanhid ka. Alam mo yun? Alam mong masakit pero wala kang maramdaman sa sobrang kamanhidan? Yung hindi ka patutulugin ng pain na nararamdaman mo kaya wala kang choice kundi magstay ng gising kasi kapag mas pinilit mong matulog mas lalong ramdam mo yung sakit. Nung araw na yun, pinili kong mapagisa. Magpakalugmok sa bahay. Isipin lahat ng nangyari. Isipin na bakit sa milyong-milyong tao sa earth, ako pa talaga ang napili.
Akala ko dati hanggang wattpad at movies lang yung mga ganitong eksena hanggang sa ako na mismo na yung nakaranas at sobrang hirap tanggapin at hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung pano mag-uumpisa...