Hindi naman ako handa sa pagka-time capsule nito.
Kwarto ni Odie, kwarto ko circa 2005. Puno ng magazine pages kung saan nafeature ang Sugarfree, Eheads, Sandwich, Imago, Cambio (kasi crush ko talaga si Diego Mapa, bakit ba). Puro kalat, puro CD at notebook na may lamang lyrics ng kanta ng Paramita. May radyo na kinukuha ko sa kwarto ni Papa pag tulog na siya. Akala ko ako lang nagsusulat ng mga kanta sa countdown ng NU? May isang NYE na nilista ko yung top 107 songs of the year. Asan na kaya yung notebook ko na yun. Galing din ng foresight ni Quark at Diego C para gawin to. Kasi hindi na magiging ganito kasaya ulit ang eksena. Mabuti nang may alaala.


















