Loko. Bat ka ba kasi gumawa bago? Hahaha adik mo kahit kelan. Bat gising ka pa? hahaha
Ako kasi yung tipo ng tao na hindi marunong umayos ng gulo.
Madalas, pag alam kong nasa bingit na ng pagkagunaw at pagkalaho ang isang bagay sa akin, madalas nilalayasan ko nalang yun dahil mas madali para sakin yung ganun.
Katulad nung blog na yun. Masyadong unorganized kaya naman pinili ko nalang na iwan nalang na ganun kesa ayusin ko pa.
Minsan kasi, aminin man natin sa sarili natin o hindi, mas madali pa din ang pagiwas sa problema kesa piliting pasakitin ang ulo natin kakaisip. Minsan, ang pagtanggap na hindi mo na mababalik sa dati ang isang bagay at ang pagtanggap ng buo sa konsepto ng pagkawala ng isang bagay ay mas madali kesa sa pilitin pang ayusin yun.
Pero ayun, hindi naman sa lahat ng bagay applicable yung ganun syempre.
Hindi ko sinasabing tama ako, pero hindi ibig sabihin nun ay mali din ako. Hindi ko binabasura yung mga bagay na minsang naging mahalaga sakin at hindi ko din sila tinetaken for granted.
Masyado lang talagang malawak yung pagtanggap ko sa ilang mga bagay na umabot na sa puntong nagmumukha na akong walang pakialam which is half true.
Ang labo diba?
Dami ko na namang sinabi.
Wala kasi akong binlog ngayon e kaya dito nalang ako babawi.















