To the person I once thought to be my First!
While scrolling my news feeds in FB nakita ko sila. Happy together, going stronger. I was in a deep realization, indeed I was happy for him. Natatawa ako kasi nung time na nasaktan ako halos isumpa ko sya, pero pinili kong manahimik, pinili kong umiyak mag-isa, pinili kong maging malakas nung una para sa intensyong makita nya yung halaga ko pero hindi yun naging ganun instead nakita ko yung true value ng sarili ko and yung promising future ahead of me. Nakabangon ako after few months of bitterness and sorrow! Shocks sixteen years old ako nun, Biterenaryang Koleheyala Hahahahahaha nakakatawa talaga.
Ganito pala yung feeling na wala ka na talaga nararamdamang kurot sa puso mo sa tuwing makikita mo sya sa piling ng iba. Yeeez dati kasi stalk ako ng stalk tapos nasasaktan talaga ako kapag may post sila nung gurl kahit ang babaw lang talaga nung relationship na meron sila nung time na yun. I tend to always compare myself dun sa girl na yun, tipong advantageous lage yung tingin ko sa sarili ko. Indeed feel ko talaga na hindi naman ako ang nawalan, sadyang hindi ko lang matanggap na kailangang paasahin ako to the point na lipad na lipad na ako sa ere tapos wala naman pala akong kasamang lumipad! Kahit sana sabay kaming mag sky-diving sa hinagpis eh pero wala ako lang talaga yung nasaktan I guess. Kala ko talaga mag kaka boyprend na ako for the first time in poreber! Hahaha
Clarification lang ha, one of my High School Bestfriends si guy and later part of our senior year, nagkaspark kami hahaha lesheng retreat at prom yan! Bakit magkasunod! Na attached tuloy ako ng sobra! Mutual Understanding lang naman yun but I guess Magulong Usapan lang talaga and at my side MisUnderstanding pala. Tapos yung current GF nya today, hindi sya yung girl na pinili nya after me, bago na! Hahaha karma is life eh, mejo flirty kasi yung girl na yun back then. Pero etong current GF is very much admirable naman I guess based on what I've observed.
I therefore conclude that, I am happy for them. Four years na ata sila. Nakita ko kung gaano sila mag care sa isa’t-isa. I just need to accept na I am not the person designed to compliment him. Kung ano man yung meron samin dati, nangyari na yun… wala na akong laban dun, at mas lalong hindi na dapat panghawakan pa. Natuto na akong magpatawad. In fact, there was a time na nagkatagpo ulit yung landas namin ni guy and with that very short moment deep inside I know that the smile we gave to eachother is a genuine smile of friendship…. nothing more nothing less. Ginawa kong lakas para umusad yung sakit na naramdaman ko and I am perfectly fine right now. One more thing is that, NAKAKALOKA MU LANG NAMAN PERO ANG LALIM NG HUGOT KO! Kasi naman I am a super fan of the idea “High School Sweethearts” akala ko that time matutupad ko na yung pantasya ko eh, kaya push na push ko idikit yung sarili ko. Hindi pala. Sobra lang talaga ako magpahalaga sa feelings. MU lang yun ha, what more pa kaya sa seryoso at matured kind of attractive approach when it comes to love? Hahahahaha
Dami ko talak, again this is my very long story regarding my second heartbreak experience.. yung una “First Love: A One Sided Sad Story” pero ayoko na mag talk about dun.
This is, Babaeng naniniwala sa Seasons of Life, sa Divine Annointing, sa Missing Rib Destiny at sa Forever be yours tagline….