-long post ahead-
ako si jate, isang babaeng lgbtq+, isang kabataan, at aktibista. nakikiisa ako sa mga panawagang hustisya para sa mga biktima ng lianga massacre 2.
dumalo ako sa isang pagtitipon kanina para kundenahin ang masahol na pagpatay kina angel rivas, lenie rivas, at willie rodriguez. sila ay nagmula sa lianga, surigao del sur at kabilang sa ating mga katutubong lumad. si angel ay isang 12 years old, grade 6 na kabataang lumad, at si lenie naman ay isang babaeng lesbiyana.
pinaghihinalaang nakaranas ng panggagahasa sina lenie at angel bago patayin. wasak ang kanilang puke sa tama ng bala.
ayon sa mga militar, isa lamang daw itong "engkwentro" laban sa mga npa samantalang ayon naman sa mga kamag-anak ng biktima, hindi daw npa sina willie, angel, at lenie at umaani lamang daw ng abaka ang mga ito bago dumating ang mga militar.
mahaba at matagal na ang kasaysayan ng mga lumad sa kanilang pakikipaglaban para sa lupang ninuno, laban sa mga imperyalista at mga kapitalistang sumisira sa kanilang lupang kinabubuhay at tinitirhan.
tuloy ang panawagan para sa hustisya, pagpapalayas sa militar sa kanayunan, at paniningil sa pasistang rehimen ni duterte!
















