Ayun kakatapos ko lang magtrade sa account na to. Eto talaga yung problema sakin eh, kapag nananalo, sige pa din ng trade baka kasi manalo pa. Target ko lang naman per day is $15-$20 or kahit $10 lang okay na yon pwede na pangtustos sa aso ko. Hahaha.
Nanalo na ko kanina ng $15, tapos naisip ko ay paabutin ko ng $20, kaso natatalo na ako. Hindi nagwowork yung strategy na ginagamit ko. Umabot ng $10 nalang tapos natatalo pa din talaga, ang ending $4 nalang. Kainis. Ayun tumigil na ako, baka mazero pa.
Narealize ko lang na sa kakahangad natin ng "mas" mas lalo pang nawawala satin kung anong meron tayo. Yung pag iisip na "baka" mas lalo lang tayong napapasama. At ang galing no? Tumitigil lang tayo kapag wala na, kapag huli na ang lahat.
Dami sinabi, di lang talaga ako marunong makuntento. Haha.














