Wag mo na kasing ipilit. Masasaktan ka lang.
Hindi kasalanan ang magmahal. Ang kasalanan ay yung pinipilit mo ang gusto mo kahit alam mong masasaktan ka lang. Lahat ng bagay sa mundo may tamang kalalagyan. Kung alam mong hindi pa ito ang panahon, maghintay ka lang. Wag mong ipilit. Alam ng Diyos kung ano ang para sayo at kung kailan ito ibibigay sayo. Maghintay ka lang. Wag kang mainip. Dadating din yan.










