Pagsulat
Nakakamiss rin pala ang magsulat. 'Yung akala mo hindi ka na marunong gumawa ng isang kwento o tula ay bigla mong maiisip na 'kaya mo pa pala'. Sabagay, ang natatanging bagay na lang ngayon na kahit iwan mo ay may mababalikan ka pa ay ang pagsulat. Dahil ang pagsusulat, hindi 'yan naghahanap ng iba habang wala ka pa. Hinihintay lang tayo nitong bumalik at maalala siya. Kaya para sa'yo pagsulat, magbabalik ako. Hindi man ngayon, nasisigurado ko na malapit nang dumating ang tamang panahon.











