Ang pagsisimba at pagiging relihiyoso ng bawat Pilipino ay nagmula pa sa ating mga ninuno. Sa simula't sapul, sumamba na ang ating mga ninuno sa iba't ibang elemento tulad ng bato at araw. Sa pagdating ng mga Kastila, sobra tayong naimpluwensiyahan ng Kristyanismo. Ngayon, sa buong bansa, marami tayong makikitang mga kaganapang kaugnay ng relihiyon. Ang pagbabagong ito ay maituturing nagbigay pa lalo sa ating kultura. Natuto tayong magnobena, magdiwang ng mga pista at marami pang iba na palagi nating ginagawa.












