nakakatuwang magbalik tanaw sa mga alaalang nabuo at dinanas dito sa munting site na ito na nagsilbing mundo ko noong kapanahunang nasa ikatlong taon ako sa highschool hanggang sa kalagitnaan ng aking huling taon sa highschool.. yung tipong pagkamulat na pagkamulat ng aking mga mata sa umaga, ang pagbati agad sa mga kaibigan ko dito sa tumblr ang inuuna at inaatupag ko imbis na ang pagbangon at paghahanda para sa pagpasok sa eskwelahan (kaya suki ako sa guidance non eh).. tumblr din ang pangwakas ng araw kong nagdaan. sa pagsanib ko sa tumblr, patagal ng patagal maraming tao akong nakakasalamuha, mga nakakapanayam ko ng wantusawa, mga ka tinychat (pakers) nang hindi kami nagkakasawaan kahit magdamag pa kaming magpalitan ng mga kwento at kung ano pa mang kadramahan at kaechosan sa kani-kaniyang buhay. at habang tumatagal din ako dito sa tumblr, dumating na rin sa point na onti-onti nang nasasakop ng mga jeje-swaggers ang mumunting site na ito at paubos nang paubos ang mga batikang bloggers dahil ayon din sa obserbasyon ng nakararami ay nawawala na nga talaga ang tunay na esensiya ng site na ito kagaya ng: pagpapahayag ng angking galing sa pagsulat, pagpapayo at marami pang iba.. napapalitan na ito nang mga ka walang kwentahang gawain ng "iba" kaya sa mga panahong iyon, marami na rin ang nawalan ng gana at lumisan. noong mga panahong iyon, nawalan na ako ng amor sa pagsscroll at tinamad na rin akong mag blog at makipagkilala sa kapwa ko bloggers kaya humantong ako sa pagiging inactive. napansin kong ang daming bloggers na ang nag-deactivate ng kani-kanilang mga blog, nalungkot ako sapagkat nakapanghihinayang lahat ng naipundar mo sa blog na meron ka, lahat ng mga obra-maestra mong mga sulat ay maglalaho nalang sa isang pindot. kahit mga kaibigan kong malalapit dito sa tumblr ay nagsisipag alisan na rin, sobra akong nalungkot, dahil hindi ko sila maiging nakausap ng makabuluhan bago man nila lisanin ang site na ito. kahit isang beses hinding hindi pumasok sa utak ko na i-deactivate itong account na meron ako, sapagkat minsan itong naging buhay ko, kinaadikan ko at minahal ko ng sobra sobra. kaya mo bang burahin nalang lahat ng alaala na meron sa iisang account na nilikha mo? ang hirap diba, at mabigat sa puso ko na magmaliw lahat ng nakasaad at nakasulat sa blog kong ito sapagkat lahat ng ito ay naging parte ng buhay ko na minsan akong pinasaya ng lubusan nirerespeto ko ang bawat desisyon ng mga kapwa blogger ko na naandito, maaring na-deactivate na nila ang account ma meron sila noon, pero maaari pa rin naman silang manumbalik at magsimula ng panibago. Mabuhay Magigiting na Tumblr Bloggers esp tumblr circa2013❤ dabest to!