How can I restore our friendship back? Kung sya na mismo yung nawalann na ng tiwala sakin.
Hindi ko alam kung pwede pa, I mean na kung gusto nya pa akong maging kaibigan at mapatawad sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko.
Oo mahal ko sya, pero ayoko syang mawala kaya kahit pagkakaibigan na lang ang mai ooffer nya tatanggapin ko ng bukal sa loob ko.
Nakakatawang pakinggan noh? Ayaw ko syang mawala sa akin even in the first place ay wala naman talagang sa akin.
Kaso hindi na nga ata talaga maibabalik sa dati, sa panaginip na lang talaga kita ulit makakausap at makakasamang tumawa. Sa alaala ko na lang pwede mabalikan ang ating pagsasama.
Pagkakaibigan na ako mismo ang sumira dahil nagpadala ako sa aking nadarama, hindi ka naman kasi mahirap mahalin. Maaring kinamuhian mo na ko dahil sa mga pasakit at problema na dinala ko sa buhay mo.
Ayaw mo na rin siguro ako makausap dahil sa lahat ng mga nangyari, di ko mapigilang lumuha sa bawat sandali na maaalala ko ang tamis ng iyong ngiti sa iyong mga labi.
Mga pagmamakeface mo na sobrang nakakatawa (no offense) kinikilig at nabibighani lang naman ako sa tuwing ginagawa mo yun, lalo na sa mga moment na hinahawi mo ang mga buhok mo abot tenga ang mga ngiti ko.
Sa araw araw na lumilipas, idinadaan ko na lang sa ngiti para maitago ang lahat ng pighati. Ang mga hindi malilimutang sandali naglaho na lang na parang bahaghari.
Pero gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita. Kahit hindi na tayo naguusap at hindi mo na ko pinapansin, kahit ang mga message ko sayo sa messenger ay puro na lang seen. Hahaha jk.
Pero seryoso alam ko madaling sabihin ang mga salitang mahal kita, hindi kita iiwan, pangako ikaw lang ang mamahalin ko pero mahirap panindigan.
Isa lang naman ang natutuhan ko kapag nagmahal ka ng tapat at totoo eh. Kakapit ka sa isang bagay na alam mong isinisigaw ng puso mo, hindi mo susukuan dahil alam mo sa loob mo, na nararamdaman mo na worth it yung taong minamahal at pinaglalaban mo, na mamahalin mo sya ng buong puso kahit wala kang nakukuhang sukli para dito.
Mamahalin mo sya ng walang hinihinging kapalit. May mga bagay kasi sa mundo makita mo lang kahit hindi mo na makuha masaya ka na para dito. Kahit hindi mo man ako paniwalaan sa mga sinasabe ko, gusto ko lang malaman no na ang gusto ko lang ay makita kang masaya kahit sa piling man ito ng iba, maabot mo ang mga pangarap mo, ma achieve pa ang mga goals mo at manurture pa yung mga talent mo.
Sana lakasan mo lang palagi yang loob mo sa lahat ng oras at pagkakataon na sinusubok ka ng Panginoon, sa mga times na gusto mo ng sumuko; laban lang, lalo mo pang higpitan ang kapit sa mga pinangako nyang salita. Hindi ka nya iiwan at papabayaan. Sya ang iyong magiging sandigan at lakas sa pagharap sa mga hamon sa buhay.
Sa ngayon andito lang ako, andito kapag kinailangan mo. Tanaw tanaw ka sa malayo, minamahal ka ng patago. Hindi ko man maiparamdam sayo ang pagmamahal ko, pero sa loob loob ko nag uumpaw pa rin ito. Ikaw ang pinaglaanan ko nito at kailanman hindi ito magbabago. At “Yan ang binibitawan kong Pangako.”