Nagopen ako ng FB. Tapos nakita ko sa news feed ko yung name ng bestfriend ko. Ay, ex-bestfriend pala. Hahaha 3 Yung totoo, ayokong nakikita yung mga posts niya. Pero gusto kong malaman kung ano na bang nangyayari sa buhay niya simula nung umalis siya at iniwan niya ko at kinalimutan? Okay. Kinalimutan! Hindi na dapat ako nagtatanong pa, halata namang kinalimutan na niya talaga ko. Ang sakit parin. Siya yung unang tao na minahal ko, bukod sa pamilya ko. Yung pagmamahal na parang kapatid. We're bestfriends since elementary up to highschool though hindi kami parehas ng school nung 1st&2nd year. Kasi lumipat sila sa bulacan. Pero may communication parin kami. Nung 3rd yr na, bumalik ulit sila ng laguna at nagtransfer siya sa school na pinapasukan ko. Sobrang saya ko nun. At dahil nga bago lang siya sa school lagi ko siya sinasamahan kasi ayokong ma-out of place siya. Yung mga kaibigan ko nung 1st&2nd yr hindi ko na nakakasama kasi gusto ko masasamahan ko siya lagi. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Siya yung unang taong minahal ko bukod sa pamilya ko (by the way babae siya, at hindi ako lesbi no) Masyado akong naging dependent sakanya. Pag absent siya, magisa lang ako. Kasi nahihiya nakong sumama sa ibang kaibigan ko. That time wala akong pakialam kung iwan ako ng iba kong friends kasi okay na ko saknya e. Yung tipong isang panyo lang gamit namin. Pagkain ko, pagkain niya. Hiraman kami at bigayan. Inaasar na nga kaming kambal. Dumating yung time na masyado na kaming busy lalo na ako. Kasi nasa higher section ako. May mga competitions na sinasalihan yung section namin kaya hndi ko na siya nasasamahan. Hindi ko alam kung panong nagyari pero sa iba na siya sumasama. May isa siyang nakaclose na babae sa room nila. Masyado siyang naimpluwensyahan nung girl. Nagcucutting na siya. Umaabsent kahit ang alam ng mama niya pumapasok siya. Ang sakit. Kasi hndi ko alam ang gagawin ko. Feeling ko naiwan ako sa ere kasi wala na naman akong ibang kasama e. Kasi iniwan ko na para sakanya. Yun yung unang beses na nasaktan ako. Siguro after ilang weeks lumapit siya sakin. Hindi ko alam kung anu bang dpat kong maramdaman non. Naiinis, nagagalit, nagtatampo, feeling ko niloko ako, at miss na miss ko na siya. Nagsorry siya sakin, umiyak ako. Umiyak siya. Tapos kinuwento niya sakin na pinapatawag ng teacher niya yung mama niya. Dahil sa pagcucutting niya. Nasaktan ako kasi hndi ko alam kung bat siya nagkakaganon. Pinagusapan namin yung sa frienship namin. Natatandaan ko ung sinabi niyang "nahihiya kasi akong kasama ka, nahihiya ako sa sarili ko kasi, ikaw yung mabait at ako yung hindi. Maraming may gusto sayo, marami kang kaibigan." Naisip ko, dahil lang don iiwan niya ko? Iiwan niya ko sa ere? Itatapon niya lahat? Kaya siya sumasama dun sa bago niyang kaibigan kasi daw pag yun ung kasama niya hindi siya naiinggit. Pero kahit ganon nagkaayos parin kami. Iniwasan na niya yung girl. Ang ginawa ko pinakakilala ko siya sa mga kaibigan ko sa other sections. Para naman pag wala ako, may iba siyang makakasama. Pinakilala ko skanya si A (na gusto ko that time), si B at si C. Naging close sila. Lagi na kaming magkakasama. Nung 4th yr na kami, nagulat ako kasi hindi ko nakita yung name niya sa bulletin board. Sa kahit anong section wala siya. Ilang araw akong naghintay hanggang sa tinext niya ko. Bumalik na ulit sila sa bulacan at dun na siya magaaral ulit. Umalis ng walang paalam habang ako mukhang tangang naghihintay. For the second time, iniwan niya ko sa ere. Pero inintindi ko ung sitwasyon. Nagcocommunicate parin naman kami but after a months, wala na siyang paramdam. Nakikita ko nalang sa fb na may mga kaibigan na siyang bago. Tapos may caption na "bestfriends" with quotes pa. Kinakamusta ko siya at tinatanong kung bat di na siya nagtetext at sabi niya hndi daw siya nagloload. Ang saya no? Kaya siguro hindi ko masyadong dinidepende ung sarili ko sa bestfriend ko ngayon. I know na unfair para sakanya. Alam naman niya ung nangyari samin ng dati kong bestfriend. Natatakot akong maiwan. Natatakot akong masanay sa isang bagay/tao na hndi ko alam kung magsstay ba sa tabi ko hanggang dulo. Yun yung naging epekto niya sakin. Nagka trust issues pa ko. Hindi ako nagsheshare ng problema ko sa kahit na sinong kakilala ko. 4yrs na ang nakalipas pero nandun parin ung sakit. Naisip ko nga na, kung magkita man kami ulit, ipapamukha ko sakanya na hndi ako ung nawalan. Ipapakita ko na may bago nakong bestfriend. Na wala na kong pakialam sakanya. Pero mahirap lokohin ang sarili. Sana lng masaya talaga siya ngayon.