Hands off my Child
Ito ang yakap na nagsasabing Hands off my Child.
Hindi issue kung saan nakaharap si Sonya. Maawat niya ang maawat niya. Gumitna na nga ang nanay para kahit sinong matinong tao na may kalaban, maghintay man lang mawala ang nanay sa paligid bago ituloy ang away. Lalake sa lalake ikanga.
Unang binaril ni Jonel Nuezca, isang tauhan ng Philippine National Police ang nanay, si Sonya Gregorio. Binaril sa ulo na nangangahulugan na sanay pumatay sa hindi lumalaban.
Hands off our Children daw sa mga NPA, may hiya pa NPA sa lagay na ito. Sa harap ng mga kapitbahay at kamag anak namaril ang tauhan ng PNP.







