Sa Tabi ng Dagat: La Union
Michael Christopher V. Alviar
Kada-taon tuwing Disyembre, bago kami lumalakbay papunta Baguio ng aking pamilya, kami ay dumadaan sa La Union. Kami ay nag-babakasyon ng dalawa hanggang tatlong araw kung saan kami ay gumagawa ng iba’t ibang aktibidad bago umakyat ng Baguio. Isa ito sa mga tradisiyon namin tuwing pasko. Ang biyahe namin papunta sa La Union galing sa aming bahay ay tumatagal ng isa o dalawang oras. Isa sa mga hindi malilimutan na parte ng aming bakasyon ay ang biyahe papunta sa destinasyon. Mga dinadaaanan na tanawin o kaya mga stop-over na kung saan kami ay kumakain ng mga piling pagkain na mahahanap lamang ito sa La Union. Tulad ng “kilawen” at mga putahe na ang pangunahing sangkap ay kambing. Ang mga bagay na hinahanap namin bago puntahan ang isang resort sa La Union ang mga puwedeng aktibidad na gawin, tulad ng surfing, swimming, o kaya ang puwedeng pang puntahan na mga tanawin. Ang pangalan na pinuntahan namin na resort ay ang “Final Option” kung saan napakaganda ang tanawin pati ng dagat. Ang huling punta namin, noong 2018, ang una naming ginawa pagkadating sa La Union ay kumain ng kambing sa isang karinderya, kahit maliit lamang ito, ang lasa ng kambing ay kakaiba at napakasarap. Pagkatapos, kami ay agad-agad nagpalit ng swimsuit namin para makalangoy sa beach at pool. Sunod, plano sana namin ay mag-surfing kaso nasabayan namin ang low tide kaya hindi natuloy. Panghuli, tinapos namin ang araw namin ng pagsasama ng buong pamilya habang naglalaro ng baraha (pusoy, pusoy dos, tong its) hanggang madaling araw. Isa ito sa mga hindi ko malilimutan na alaala dahil ito ay ang mga masasayang nangyari sa akin bago nagkaroon ng pandemiya. Para sa akin, tatlo ang tinitignan ko para masaya at mabuo ang aking bakasyon. Ang biyahe, destinasyon, at ang mga kasama ko.












