Daragang Magayon
Gio Paolo A. Tan
Tuwing pinyahan festival kami ng aking pamilya ay bumibisita sa probinsya ng aking ama sa Legazpi. Huling bisita namin ay noong Septyembre 2019 kung saan sabay naming ipinagdiwang ang kaarawan ng aking ama at lola. Kapag nabanggit ang lugar na “Bicol”, marahil ang unang papasok sa isipan ay walang iba kung hindi ang katangi-tanging bulkan Mayon na kilala dahil sa kanyang halos perpektong hugis. Kaya naman nang naisipan ng aking pamilya na umuwi sa aming probinsya na Caramoan sa Camarines Sur, aming napagtanto na hindi dapat mapalagpas ang pagkakataon na dumaan muna sa lungsod ng Legazpi upang masilayan ang kilalang bulkan. Bago makarating ng Legazpi, inabot kami ng gutom kaya naisipan munang mag tanghalian sa lungsod ng Naga. Kami ay kumain sa isang restaurant na tinatawag na Bob Marlin, kung saan masarap ang kanilang crispy pata, laing at pinangat. Matapos niyan, kami ay nagpatuloy na patungo sa Legazpi. Ikaunang beses ko pa lamang makauwi sa Albay, kaya nang makarating sa Legazpi at nakita ang bulkan ng harapan, ito ay aking ikinasaya sapagkat tunay na mas maganda ito kumpara sa mga larawan masisilayan lamang sa Internet o kaya sa mga postcards. Matapos namin puntahan ang bulkan, kami ay nagpatuloy na sa aming paglalakbay patungong Camarines Sur. Gabi na nang kami ay makarating sa tahanan ng aming mga kamag-anak, kaya hindi na gaanong nakapaglibot. Kumain na lamang ng hapunan, at dumiretso tulog na sapagkat nahapo mula sa byahe. Natapos ang araw na may ngiti ang lahat sa kanilang mga mukha. Isa pang isla naman sa aming listahan ay ang Lahos Island. Tulad ng isla ng Matukad, ito ay madalas na dinarayo rin ng mga turista. Sa islang ito, medyo nagtagal kami sapagkat dito ay magandang magtampisaw at lumangoy. Malinaw ang tubig at matataas ang alon, kaya lubusan naman kaming natuwa sa pagbisita dito. Matapos ang island hopping, kami ay umuwi na sa aming tahanan sapagkat sa susunod na araw, lilisanin na namin ang Caramoan upang pumunta naman sa Cagaray at manatili sa Misibis Bay resort ng dalawang araw. Sa aming panghuling araw sa lalawigan ng Albay, dumayo muna ulit kami sa lungsod ng Naga upang bumisita sa Naga Cathedral at Penafrancia Basilica Minore. Dito kami ay nag-alay ng pasasalamat para sa aming masayang bakasyon. Humingi na rin kami ng gabay upang kami ay maging ligtas sa pagbalik namin ng Manila. Sana’y matapos na ang pandemyang ito at magsama sama na ulit ang mga pamilyang magkakalayo sa isa’t isa.













