Ang mundong ginagalawan ni Jarin ay di nagkakalayo sa karaniwang nararanasan ng ordinaryong Pilipino. Ang kanyang akdang Anim na Sabado na Beyblade ay nagpapatunay sa angking galing sa pagsulat ni Jarin, at sa pamamaraan niyang social realism.Mga isyung panlipunan gaya ng kahirapan, gutom, salat na pamumuhay, kawalan ng dignidad sa trabaho, ay iilan lamang sa mga eksenang kaniyang naipinta sa kaniyang akda. Kung ang Anim na Sabado ng Beyblade, na isang talambuhay, ay nag eencapsulate ng kaniyang buhay sa Maynila, ang Tangke naman ay nagsisilbing prologue nito. Sa Tangke, kinwento ng awtor ang kaniyang kabataan, at naranasang noong lumipat sila sa probinsya. Bilang baguhan, siya'y naging buntot ng asaran, kaya naman naging isang paraiso para sa kanya ang pag akyat sa tangke ng tubig sa may paaralan nila. Ito ay nagsisilbing paraan niya ng pagtakas sa realidad, at simbolismo ng kaniyang kagustuhang umangat at tingalaan ng kaniyang mga kakilala. Bilang isang estyudanteng malapit na rin magtapos, umalingaw-ngaw sa akin ang mga batid ng bida ukol sa kaniyang pagnanais na maging matagumpay at sa kaniyang paglisan sa sekondaryang paaralan. Siguro naman, lahat ng mga estyudante ay nangarap magtapos ng may karangalan, di lamang sa uri ng mga medalya at awards, ngunit pati na rin sa uri ng academic excellence. Kung ang bida o si Jarin ay kumapit sa kaniyang tangke upang maging inspirasyon sa kaniyang pagaaral, alam ko na lahat ng mga nagaaral ay mayroon ding "tangke" na pinanghahawakan. Sa kolehiyo kasi, madaling mapanghinaan ng loob o magquit na lang. Mas mahirap naman kasi ang ibang klase at may dagdag pressure pa ang ideyang ito ang panahong huhubog at didikta ng kapalaran pagkagradweyt. Ngunit masasabi ko, lalo na na ako'y malapit na ring magmartsa sa susunod na buwan, na dapat ay gayahin si Jarin; kung saan ating pabayaang maging gabay ang ating mga pangarap at goals, ngunit wag rin tayo manatili sa nga ulap. Dapat ay kasabay ng paggalaw ng imahinasyob ay ating gawin ang ating makakaya upang maabot ang mga ito. At para naman sa mga kapwa kong magsisipagtapos (o grumadweyt na dahil di nabago ang kanilang kalendaryo), mabuhay kayo! -A. Dalumpines