Hindi po decors ang braces. At lalong hindi ako nagpabrace kasi trend.
Hindi kaya biro magpabrace. Bakit?
Nakakapngit kasi lolobo yung bibig mo na parang inipit lang sa mouse trap.
Yung wires, minsan sumusobra kaya tumatama sa dila or gums.
Madalas kang magkasingaw. Parang pimples na nga lang eeh.
First week mo, parang lolo ka na kasi parang natatanggal bawat ngipin mo. Tengne, mapapdasal ka talaga dito kasi sobrang sakit. Parang nabubulok lahat.
Hinihigpitan yung bakal bawat buwan.
Masakit sa bulsa. Maraming gastos. Inutang lang po namin yung pinangbrace ko (jk) kaya kung gusto niyong tumulong o magdonate (okay lang po kahit magkano basta bukal sa inyong mga kalooban <3), ito po ang number ko 09128187744, via GCASH na lang po (main message successfully inserted. Mehehe~). Nyeta, tnt pala ako. May tntCash ba? Nebermaynd.
Pero seryosohan, utak sabaw ka kapag bongga at maganda naman ang ngipin mo tapos magsasayang ka lang ng 30k-50k kasi tingin mo maganda at sosyal tingnan ang braces. Pwede siguro kung mayaman ka pero maging praktikal ka naman. Isipin mo, madaming bata kada segundo ang nagtatrabaho at lumulunok na lamang ng laway para may malasahan lang (ang OA ko), maraming namamatay na dilat ang mata dahil sa gutom. Madaming naaabort na sanggol na di man lang nasilayan ang kagandahan ng mundo (at syempre, yung kagandahan at kapogian ko) dahil sa iniisip ng ermat nila na wala na silang ipapakain sa isisilang nilang biyaya mula sa Diyos. Madaming inosenteng tao ang matutuksong manakit ng iba para lamang makapagnakaw upang mapunan ang kumakalam na tiyan ng kanyang pamilya.
Yung 30k mo, ibinigay mo na lang sana sa simbahan o sa bahay ampunan. Pwede rin naman sa akin. Madadagdagan pa sana yung gawain mong mabuti sa mundo. Malay mo, huling araw mo na ito bilang earthling. Walang nakakaalam.