Paranoid na kung paranoid. I can't blame myself, kasi sa 5days in a week, 22-23days in a month na duty sa hospital, iba't-ibang cases mga na-eencounter namin like:
Dadalhin sa ER, walang malay, BP nya sa ER: 280/120, Ayaw talaga magising, comatose na, GCS: 3. Sabi nung asawa kakatapos lang kumain ng fried chicken tapos nahilo tsaka nawalan ng malay. Ayaw daw nagpapacheck up at nagpapa-BP.. Ayun, inintubate at trinansfer namin sa isang tertiary na hospital.
Kakauwi lang galing mag-grocrery nung pasyente tapos tinakbo sa ER.. Nangingitim na labi at kuko, wala ng pulse rate.. Actually dead on arrival na.. Flat line na yung sa ECG.. Pero, tinry parin naming nirevive kasi gusto pa i-try talaga ng kamag-anak..
Pinipigilan lang yung mga nag-aaway, nahimatay, dinala sa hospital after mga 10minutes pa after nawalan ng malay. Pinatapos daw muna nila yung gulo. Like wtf! inuna pa yun ha. Nangingitim na din kuko at labi, pero tinry pa rin namin.. Pero wala na talaga.. Tapos namukhaan ko, driver nila lola yun pag pumupunta ng Manila. </3
May pinakuhang bangkay sa ambulasya ng hospital namin, natagpuan sa tricycle nya na walang malay nakadukmo lang. Akala ng mga dumadaan nagpapahinga lang, yun pala patay na. Basang-basa siya ng ulan, malamig na talaga at maitim na.. Wala naman siyang sugat sa katawan, siguro nag-arrest din siya. Buti nalang may phone sya and identification card sa wallet to contact his family..
Sa ward naman, nag-CR lang tapos biglang nag-arrest. Intubate agad then transfer ulit.
Kaya ayun nadadagdagan pagkaparanoid ko everyday. hahaha But I can handle it naman, not yet nababaliw *what. so conyo*...
And you guys take care of your family.. Lahat nalang biglaan nangyayari, We'll never know.. Spare some time with them, ano ba naman yung kamustahin sila everyday kahit 10 minutes lang sa isang araw sa napaka-busy mong life, diba?