Week Two At Unit Seven
Boring pa rin e. :(
Siguro nga kasi wala pang internet at TV cable so ang tahimik talaga ng unit. It's either I play music, watch some downloaded TV series/movies na 'di ko naman natatapos usually, play games sa iPod (Note: Hindi ko na mapagpatuloy 'yung Candy Crush ko kasi I need tickets. How can I ask for tickets if I don't have Wifi fuckin' shit!) or matulog. O kaya checheck ko na lang mga gowns na nakasabit sa rack ni Paris. Hahaha.
Oh yea, the better thing is Paris lives with us. Sa presensya na yata ni FF ako pinakakomportable talaga that's why she's the perfect housemate. Hahaha. Her living with us lessens the boredom. Kasi all we do is chat about boys and stuff tuwing pagkagaling niya ng work or, kapag gising siya. Of course, it's either tulog siya o wala siya kapag nandito sa unit hahaha kasi busy bee 'tong FF e, nagpapayaman dahil bibili ng maraming appliances. Hahaha!
I'm depending on GLOBE Tattoo Stick for my internet, which, in my experience is not a good internet provider. Bukod sa ilang beses na ako nakainan ng load, nakakaloka! E, fail pa ang internet connection, paputol putol, so hindi ako makapag upload ng videos kasi nga, since napuputol ang connection, so minsan, 78 percent uploading na 'yung video, babalik sa umpisa kasi nawawala ang internet. Nakakairita 'di ba. Fucking annoying. Like right now, wala na namang internet habang tinatype ko 'tong entry ko I'll have to copy-paste this on my Notepad for safekeeping. Mahirap na!
Going back dito sa unit, hindi naman siya super laki 'no, pero it is much bigger and better than our previous apartment, lalo na sa mga nakapunta na sa dati naming place. Dito kasi, spacious na. Like, pwede ako magcartwheel sa sala. Pero 'di ko naman kaya so 'di ko magagawa. Hahaha. Sa dati naming apartment, kapag nagcartwheel ako, kahit nga 'di ko alam, I'm sure basag agad 'yung dining table at may injury ako kasi masikip hahaha.
Besides, two bedrooms na siya kaya lumaki nga ng kaunti. Kaya nga ang challenge sa amin ngayon e, bukod sa pagbabayad ng katakut takot na utang namin dahil sa down payment etc, e ang magbibili na naman ng mga bagong appliances at mga kulang pang gamit, kasi nga malaki, so nagmukhang kaunti mga gamit namin hahahaha. At gusto ko ng aircon! Mali, gusto namin ni FF ng aircon! Since may iba namang kuntador 'yung pang aircon, machecheck namin kung malakas na ba paggamit namin 'di ba :D
So far so good naman. Parehas kami ni Paris na nakafocus sa trabaho at sa pagkita ng pera e. Wala muna talaga kami panahon mainlove. Hahaha. Parang traumatic na kami sa pinagdaanan namin all those years. This time, gusto namin bumili lang ng mga gamit. Si Paris, trip pabonggahin room niya e, ako naman, gusto ko magbibili pa ng kung anu ano para sa living room. Gusto ko ng 51 inches na TV! Hahahaha.
Ang dami naming gusto 'no? Hahaha. Basta sa housewarming party, invite namin ilan sa inyo, 'di rin kasi carry na jampacked kasi tahimik ng mga tao dito, baka mapalayas kami. Hahaha. Pero sa susunod na 'yun kapag medyo kumpleto na gamit sa unit at may internet and cable connection na.
PS.
Itong ngipin ko problema ko, kelangan daw iparoot canal. At dami nagsasabing masakit daw 'yun. Puta, ang expensive na nga, masasaktan pa ako. Wiw.
EVANS/









