Entry#2
Oras na para bumitaw, para tumigil.
Tama nga siguro si Moira, kailangan nang ipaubaya. Kasi sinubukan ko naman, ipinaglaban ko din man pero ayaw talaga eh, hindi talaga siguro para sakin. Ang gulo lang kasi akala ko nung una okay ang lahat, okay man eh, hanggang di ko ma maramdaman at di nagparamdam. Bakit ganun, klaro namang ang simula bat ang labong natapos? Natapos nga ba o sadyang na tapos nalang? Gusto ko pang ilaban, ang tanong may-ipinaglalaban pa ba? Kaya siguro, oras na din para bumitaw, tumigil at ipaubaya nalang sa itaas.
021621






