Ikaw
Nakaka-miss ka. Kahit iniwan mo ako. Kahit wala kang sinabi na iiwan mo na ako. Na kahit hindi naman talaga naging tayo. At kahit walang malinaw na usapan na naging tayo. Nakaka-miss ka. Yung kahit sobrang pagod ka galing sa practicum mo o kaya naman tumakas ka sa inuman nyo. At kahit sobrang pagod ako sa trabaho at pag-aaral ko o kaya puyat ako dahil hinihintay kitang mag-online sa skype, yahoo o kaya sa facebook man lang. Nakaka-miss ka. Yung kahit sinabi mong wag akong mawawala sa buhay mo kasi iba ako sa lahat. Yung tipong sabi mo kakayanin natin kahit walang "tayo" talaga. Yung tipong hindi kita iniwan, at hindi ako nawala sayo, pero ikaw yung nag gumawa ng lahat ng bagay na ayaw mong gagawin ko sayo. Ikaw yung nang-iwan. Ikaw yung naghanap. At Ikaw yung nangbalewala. Pero kahit ganun, nami-miss pa din kita at ikaw pa din ang hinahanap ko. :/













