Christmas Day ♡
Week 6 - Entry #2 // 12-25-18
Continuation ng desperas,, nagpuyat kami ng mga cousin ko and we even bought an ice cream para sa lahat. We played uno together and also sang in the karaoke. Busog na busog ako nun kaya nakatulog din ako. Mga around 12 pm, dumiretso kami nila mama sa hospital to visit my lola there. My lola was admitted sa Hospital ng Maynila. Kaso nga lang nung nakapunta na kami dun, bawal daw madaming visitors. Kaya di kami napayagan napumasok lahat. Mga around 3pm na nung nakapasok kami which is malapit na sa time ng visiting hours. When I saw nanay there, ayun naka-oxygen sya and grabe grabe na rin pinayat nya plus namamanas na paa nya. Ngayon lang ako nakavisit sa kanya since nung na-admit sya sa hospital. Nakita ko kung gano sya nahihirapang umubo and huminga. Lagi din sya nagrerequest na igalaw yung katawan nya para mamive sa ibang position kasi di sya comfortable sa pwesto nya. Kahit papaano, naalagaan ko din si nanay and nakapagbanta sa kanya kasama sila mama ko ♡. Sana makalabas na si Nanay sa hospital and sana gumaling na rin sya ♡.
◌ ◌ ◌ And that's all for this day ◌ ◌ ◌










