Pulis sa Pilipinas
Madaming tao sa pilipinas ang naapektuhan sa pamamalakad ng ating presidente na si Duterte. Madami na siyang nagawang mabuti sa ating bansa, oo tama iyon, pero mapapansin mo na ang mga kapulisan sa ating bansa ay nagiging lasing sa “kapangyarihan” lalo na sa nangyayaring “War on Drugs” ngayon. Madami-dami din ang mga kaso sa ating bansa na may kinalaman sa mga kapulisan at madami sa mga kaso na iyon ay isinasantabi, binabalewala o hindi narereport sa takot na sila ay balikan. Nung nakaraang linggo ay nangilabot ako sa balitang aking napanood. Nag rally ang mga tao sa harap ng US embassy at sila’y pinagsasagasan at pinagpapalo ng mga pulis na nandoon dahil sila daw ay “naging biolente at pinagpupukpok ang Police mobile.”. Ang Police mobile ay napapalitan pero ang buhay ng tao ay hindiing hindi mapapalitan dahil ito ay iisa lang at hindi yun sapat na rason na sila’y sagasaan at pagpupukpukin sa ulo. Madami ang pondo ng gobyerno at kayang palitan ang Police mobile o kaya ay pwede niyo naman ipabayad sa mga raliyista ang kanilang nasira ng mahinahon at maayos. Isa din sa mga kaso ang pagdagdag ng mga Pulis sa mga Extra Judicial killings noong bagong upo si Duterte sa kanyang pagkapangulo. Ang nakakasakit pa ng loob ay kinakampihan sila ng gobyerno at walang magawa ang mga kaanak ng mga biktima. Ang mga rason na lagi kong naririnig kung bakit nila pinatay ay “Dahil sila’y nanlaban”, ”May nakita kaming shabu”, “Dahil kung hindi ko siya binaril, ako ang papatayin”, etc. Hindi ko naman sinasabi ay wala silang karapatan na ipaglaban ang kanilang buhay pero intindihin naman nila ang mga pamilya ng kanilang pinatay. Pwede niyo naman silang barilin sa paa para hindi na sila makapaglaban pero huwag niyong patayin. Halos lahat ng mga biktima na kanilang napapatay ay mga middle class o walang masyadong kaya sa buhay.Ang aking hiling lang ay sana matuwid itong problemang kinahaharap ng pilipinas sa mga pulis at ipaintindi na hindi dahil may hawak silang baril ay hawak narin nila ang buhayng ibang tao. Lahat tayo ay may karapatan na magbagong buhay at magkaroon ng “second chance”. Naniniwala ako na maiaapply natin iyon sa ating lahat. Sana at sana magbago na ang pamamalakad ng pulisya sa pilipinas. Lubos na gumagalang, Unknown.
















