Analysis: Sa alamat na ito ay binibigyan ng kaniyang panig sa kuwento ang engkantadang si Oryol, na nabanggit lamang ng panandalian sa epikong Ibalong. Imbis na isa lamang sa mga halimaw na takdang puksain ni Handyong ay siya ang nangangalaga sa mga hayop at halimaw sa rehiyon. Ang dayuhang si Handyong at ang kanyang mga kasama naman ay sumisimbolo ng koneksyon ng Pilipinas sa iba pang mga bansa sa Timog-Silangan. Ang kanilang pagdating ay maaaring sumisimbolo sa pagbabago ng pamumuhay ng mga tao mula sa pangangaso patungo sa pananatili sa isang lugar at pagsasaka. Ngunit, maaari rin itong sumimbolo sa pagasa ng mga tao sa mga dayuhan upang umunlad ang kanilang pamumuhay. Ang kwentong ito ay maaaring kumatawan sa pagtatangka ng mga Bikolano na ipaliwanag ang pinagmulan ng Bulkang Mayon at ang pagdating ng mga unos sa lugar sa anyo ng paglindol, pagputok ng mga bulkan at ang palagiang pagdalaw dito ng mga bagyo.
Natuwa, napamahal, hindi naka-abot sa klase sa PE upang tapusin ito. (Buod lamang ho at ang mga ilustrasyon ang sa akin) Galing sa aming proyekto asignaturang HS20 - Mito at Alamat, sa UPM kung saan aming ikukuwento sa klase ang ilang piling mito at alamat.










