ANG LAYO NG TINGIN MO KO
Nagkaroon na ba kayo ng kaibigan na iba na pala ang tingin nila sayo? o ikaw ‘yong kaibigan na ‘yon? Yung malayo ang tinitignan mo pero siya nakatingin lang sayo? Yung kung saan-saan ka tumitingin pero tutok lang siya sa mukha mo?
Hindi ko siya magugustuhan, ayan ang paulit-ulit kong sinasabi sa mga kaibigan ko kapag sinasabi nilang bagay daw kami. Parehas daw kasi kaming maliit, cute-sized daw pero hindi bite-sized(alam mo ‘yan! haha lol). Palagi kaming magkasama kasi parehas kami ng gusto; pineapples on pizza.
Naalala ko pa noong Mayo, nanood tayo ng horror movie at nagpadeliver ka. Palagi mo akong tinitignan kapag nakakatakot na yung tunog habang tinatanggal mo yung takip ko sa mata. Naiinis ako sayo non tapos sinabihan mo akong “cute mo”. ‘Di ko alam kung bakit ko ‘yon naramdaman sa’yo, eh hindi naman kita type. Patuloy tayo sa panonood ng biglang may kumatok sa pinto, nagulat ka at tawa ako nang tawa kasi dumating na pala yung pina-deliver nating pizza. Cute mo din pala, kainis ka. Alam mo bang hindi na ako natatakot sa pinapanood natin kasi sa’yo na ako nakatingin? Sana nandito ka pa, sana hindi ka na lang napunta sa iba. Ang torpe ko kasing bakla.
Paano na lang ako kapag natatakot? wala na akong makakapitan at brasong aakapan? Paano na lang ako manonood ng nakakatakot? kung wala ka na, kung wala ka na sa tabi ko.
Wala nang mang-aasar sa akin, wala na akong guy bestfriend, wala na akong kasamang kumain at mas lalong wala na akong ganang kumain ng paborito nating pagkain.
Yung paborito ko, paborito ng iba.
Sabi nga sa I Love You, Thank You, "May dalawang klase ng tao sa mundo: ang nagmamasid at ang minamasdan; ang umaalis at ang iniiwan."
Ako ang nagmasid at ang iniwan. Ikaw naman ang minasdan ngunit umalis.











