New Post has been published on Pinas FM 95.5
New Post has been published on http://www.pinasfm.com/bagong-album-ng-hilera-ibinida-sa-pinas-fm-95-5/
Bagong album ng Hilera, ibinida sa Pinas FM 95.5
Isa sa mga kinikilalang banda ang nakapiling natin sa hapon na ito mga ka-Pinas, sila ang Hilera.
Ang bandang “Hilera” ay binubuo nina Chris Padilla, Bobby Padilla at Buddy Zaballa. Si Chris Padilla ang nagsisilbing lead vocalist at guitarist, Si Bobby Padilla naman ang sa drummer at si Buddy Zaballa ang bassist.
Nabuo ang kanilang banda noong December 2004 at nakapagrelease sila ng self-titled album noong 2006 na nasundan naman ng dalawa pang album noong 2009.
Sa ating pakikipanayam sa kanila, ibinahagi nila ang dahilan kung bakit “Hilera” ang ipinangalan nila sa kanilang banda. Ayon kay Chris Padilla, ginusto raw talaga ng grupo nila na Tagalog ang maging pangalan ng kanilang banda at nang mabasa niya ang salitang ‘Hilera’ ay nagustuhan daw nila ito dahil ang pakahulugan daw nito ay kaayusan.
Nagbigay din sila ng mga advice para sa mga bagong manunulat ng rock music, ituloy-tuloy lamang daw ang pagtugtog at pagpa-practice. Maaari ding makinig sa mga rock music lalo na sa local upang mas makarelate dito.
Napagalaman din natin na sila ay magrerelease na ng kanilang ika-apat na album na isinulat ni Chris Padilla at ng buong banda. Nakapaloob sa album na ito ang isa sa mga bagong kanta nila na “Insomnia” na maaaring madownload sa Spotify. Inaanyayahan din nila tayong suportahan ang kanilang music video sa pamamagitan ng pagboto dito.
Para maging updated sa kanilang album launch ay maaari ninyong i-follow ang kanilang mga Facebook account @Hilera.music.
(written by Arlyn Dungao, edited by Mary Rose Ffaith Bonalos, photo captured by Arlyn Dungao)

















