This past week marami HR staff ang nagpapacheck sa akin ng kanilang mga resignation letter. Nakakagulat lang na despite sa report ng DOLE na marami ng nawalan ng trabaho ay may iba pa rin na gustong dumagdag sa listahan.
When I asked them the reasons of their resignation the main problem is hindi na daw nila kaya ang pressure sa work.
Then I asked them, "bago ka magresign, nagawa mo na ba lahat ng dapat mong gawin para sa HR?"
Oo ang sagot nilang lahat sa akin. Pero ng tanungin ko kung sigurado sila hindi na sila makasagot.
Sabi ko, "Sige tignan natin kung nagawa mo na nga ba lahat sa HR kasi kung nagawa mo na lahat dapat nagawa mo na ang mga ito:
1) Halcyon Resources
Halcyon means peaceful, calm, prosperous. Ang tanong, ang HR Department ba ay nagawa mong ganyan? Ang mga taong pumapasok diyan na balisa, mainit ang ulo, at naguguluhan ay lumalabas na payapa ang isip at kalmado dahil nalinawan sila sa mga bagay na hindi nila naiintindihan?
2) Hale Resources
Hale means healthy, sound, robust. Ang tanong, may healthy conversation ba sa loob ng HR department? Kapag mainit ba ang ulo ng taong pupunta doon sasabyan mo din ba imbis na mahinahon mo siyang kausapin para kumalma? Nagagawa mo pa bang kontrolin ang emosyon mo sa kabila ng pagod at maraming iniisip? Well kailangan mong gawin. Mahirap pero kailangan.
3) Handy Resources
Handy means useful, skillful, easy to manage. Ang tanong is that can HR department depend on you? Do you have enough skills to do the job? Kung wala eh di mag-aral ka. Mag-effort ka. Hindi 'yan instant na matututunan mo. Bago ka magreklamo na mahirap show some effort muna. Obey first before you complain. Kung meron ka naman ng skills iimprove mo pa. Always have room for improvement. Tandaan mo, mabilis magbago ang mga bagay-bagay sa HR dahil mabilis magbago ang mga pangangailangan ng tao.
4) Happening Resources
May nagawa ka na bang mga activities to improve the performance of the employees? Tandaan mo na ang mga seminars, trainings, and equipments ng mga employees ay sakop mo. Concern ka ba sa improvement ng mga employees ninyo? Dapat lang dahil kung hindi sila mag-iimprove wala din improvement para maging mas competitive ang company.
5) Happy Resources
Nagiging source ka ba ng happiness hindi lamang sa mga co-department mo kundi sa lahat ng pumupuntang mga tao doon? Oo hindi lahat tayo ay may kakayahang magpatawa pero lahat tayo ay may kakayahang magpasaya. Be the source of positive mindset sa company. Tandaan mo na bahagi ng HR ang coaching at counseling. Be the source of happiness in every employees. Tandaan mo na kapag masaya ang empleyado, gaganda ang serbisyo. Kapag maganda ang serbisyo lahat kayo aasenso.
6) Hard-working Resources
Sa umpisa pa lang alam mo ng matrabaho sa HR. At walang nagsabi na madali ang trabaho dito. Kaya kailangan maging masipag ka. Tapatan mo din ng sipag 'yung sipag ng mga empleyado. Paano mo sila imomotivate kung ikaw nga mismo ay mabagal kumilos? Bawal sa HR ang tamad. Bawal sa HR ang makupad. Bawal sa HR ang mareklamo. Ang kailangan dito buo ang loob..
7) Hardy Resources
Hardy means brave, courageous. Matapang ka ba na magsabi ng totoo kanino man, empleyado man management? Alalahanin mong ikaw ang middle man sa pagitan ng dalawang grupong iyan. Dapat hindi ka nila maimpluwensiyahan. Kailangan maging patas ka doon lamang sa tama. Matapang ka ba para alamin ang katotohanan? Matapang ka ba para maging takbuhan ng mga nangangailangan? Matapang ka ba na handang manindigan? Matapang ka ba na aminin na marami ka pang dapat matutunan? Sukatin mo ang tapang mo kung nararapat ka ba sa department na ito.
8) Healing Resources
Kung may misunderstanding between the management and employees or even employees against their co-employees may ginagawa ka ba para maayos ang hindi nila pagkakaunawaan? Dapat aware ka na kapag may misunderstanding o conflict sa organization posible itong magkaroon ng effect sa performance ng organization. Habang maaga kung madadaan pa sa maayos na usapan eh di ayusin na. Dahil pare-pareho din kayong maapektuhan kapag ang gulo ay lumala pa.
9) Heartfelt Resources
Sincere ka ba sa mga tauhan ninyo o wala kang pakialam? Mahalaga ang sincerity ng HR sa mga empleyado dahil dito natin mapapakita na nagagampanan natin ang ating tungkulin. Kung sincere ka sa mga employees, the moment may makita kang mali na ginagawa nila sabihan mo na agad sila bago pa nila ito makasanayan at tularan pa ng iba. Ipakita mo na may malasakit ka sa kanila.
10) Heedful Resources
Heedful means watchful, attention, observation. Ang tanong inoobserbahan mo ba ang mga employees on their daily basis o ginagawa mo lang 'yun during evaluation? Tandaan mo na maraming dapat mailagay sa evaluation report na hindi nalalagay dahil nagoobserve ka lang during evaluation. Sabi ko nga kanina sa HR bawal ang tamad.
11) Hegemonic Resources
Hegemonic means ruling, leading, controlling. Ang tanong nagagawa mo bang mapasunod ang mga employees sa mga policy ng company? Ikaw pa rin ba ang may control sa kanila o ikaw na ang kinocontrol nila? Understand the policy of the company, have your own way of explaining it to the employees, and take charge of them. Employees are like Lions, it is hard to tame them, but it is not impossible.
12) Helpful Resources
Nasa HR tayo para tumulong hindi magpahirap pa lalo ng ibang tao. Huwag kang magsawang tumulong at umunawa dahil ikaw lang ang makakatulong sa mga empleydaong lumalapit sa'yo. Habaan mo ang iyong pasensiya at pag-unawa. Magpasalamat ka na lang na ikaw ang tumutulong hindi ikaw ang tinutulungan.
13) Hep Resources
Hep means updated. Updated ka ba sa mga nangyayri sa company ninyo? Updated ka na sa mga bagong batas na may kinalaman sa mga karapatan ng empleyado? Bilang HR dapat updated ka lagi dahil ikaw ang unang-unang lalapitan ng mga employees kapag may bagay silang gustong klaruhin. Change is constant sa mundo ng HR so always observe and be updated.
Heralded means publicized or announce. Kapag may desisyon ang management na kailangan mong ipaalam sa mga empleyado, wag kang mag-alinlangan na sabihin ito sa kanila dahil karapatan nilang malaman ito. Maganda man o hindi ang balitang sasabihin mo ipaalam mo pa rin dahil mas mabuti ng alam nila ang totoo at bahagi pa rin 'yan ng iyong trabaho.
15) Heroic Resources
BIlang HR handa ka bang magpakabayani? Ang isang totoong HR nagpapakabayani hindi para mapansin upang mapromote o madagdagan ang sahod. Nagpapakabayani siya kasi gusto niyang tulungan at protekatahan ang karapatan ng kumpanya at mga empleyado nito. Lahat ng totoong HR ay bayani dahil ang hangad nila ay tumulong sa kumpanya at mga manggagawa at hindi ang pagsamanatalahan sila.
16) Heteroclite Resources
Heteroclite means unusual. Kaya mo bang maging iba sa iba? Kaya mo bang pumasok ng maaga at huling uuwi kahit walang dagdag sa iyong kita? Kaya mo bang imaintain ang iyong mativation kahit walang promotion? Magtatrabaho ka pa din ba ng maayos kahit hindi pumasok si boss? Maging iba hindi para mapansin ka kundi dahil iyon ang tama. Huwag kang umasa ng biyaya, hayaan mong Diyos ang magbigay sa'yo ng pagpapala.
17) Honest Resources
Honesty is the best policy. Wala ng hihigit pa na kautusan kundi ang pagsasabi ng totoo. Tungkulin natin sa HR ilabas ang totoo sino man ang tatamaan. Huwag tayong pasilaw sa bulong ng iilan na ayaw ilabas ang totoo. Tungkulin natin sa HR ang maging patas at magsabi ng totoo.
18) Hopeful Resources
Ang isang magaling na HR ay hindi lamang sumusunod sa policy ng company at labor code. Sumusunod din siya sa uto ng Diyos. Kung may department na dapat hindi nawawalan ng pag-asa HR 'yun. Pero aminin natin, hindi sapat ang policy at labor code to give us hope all the time. Kaya nga ang totoong HR ay kumakapit sa salita ng DIyos dahil higit itong mas makapangyarihan kumpara sa ano mang batas na gawa ng tao.
19) Humanitarian Resources
Lagi kong sinasabi, hindi ka pwede sa HR kung hindi ka marunong magpakatao. Tao ang pinagsisilbihan natin. Tao ang binabantayan natin. Tao ang dahilan kaya tayo may trabaho. Tao ang dahilan kaya may nagtatayo ng negosyo. Ang tunay na HR hindi lang nagpapakatao kundi umaasal bilang tao. May malasakit, pag-unawa, pagpapahalaga, at higit sa lahat hindi nauudyukan ng mga masamang gawain ng iba.
20) Humble Resources
Manatiling mapagkumbaba at mababa ang loob sa iba. Huwag hamakin ang mga walang alam bagkos ay turuan. Tumulong dahil ito ay ating tungkulin at hindi dahil may kapalit na darating. Maging bukas sa lahat ng tao at magbigay ng maayos na serbisyo. Manatling mahinahon kahit sa mahirap na sitwasyon. Manatiling matibay kahit marami na ang bumibigay. Maging matapang at huwag puro porma lang. Maging matalino ngunit bukas ang puso.