LDR
Paano ko ba ito makakaya? Ang tanong kakayanin ko ba? Nag-uumpisa pa lang ang laban nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin habang wala ka. Ang mas masakit sa mga susunod na araw mawawalan na tayo ng komunikasyon. Paano? papaano ko ba to kakayanin? Dalawang araw pa lang kita di nakakasama namimiss na kita agad. Kanina nakausap kita kahit sandali, bigla akong tumigil dahil napapaluha na ako. Narinig ko lang boses mo kanina parang ang saya-saya yo na pagkatapos nun. Tapos ngayon walang text nag-aalala ako. Hindi ko alam kung kumain kana, kung nakahanap kana ba ng bahay na matitirahan. Hindi ko alam. Sana bago ako matulog ngayong gabi makaka-tanggap ako ng mensahe galing sayo. Beb miss na kita. Sobraaa.Hindi mo man ito mababasa okey lang. Para sa future kakayanin ko. Susubukin kong maging matatag upang magkaroon tayo ng magandang buhay. Sana walang magbabago sana kung ano man ang mayroon tayo ngayon aalagaan natin. Mahal na mahal kita sobraa. Alam mo yan diba. Hihintayin kita hanggang makabalik ka ulit. Di ako magpropromise dahil gagawin ko yan.













