Happy Anniversary Sister Chelle ♥
Pasensia ka na kung hindi ako nakagawa ng mga something ah. Nanghiram lang kasi ako ng lappy, nasa beach kasi kami ngayon. Ayoko naman na m'late ako ng pagbati kaya babatiin na kita ngayon pa lang.
Ilang taon na ba tayo? 3 years na tayo! HAHA :) Ang bilis noh? Buti pa yung pagkakaibigan natin may anniversary. Kasi dinaig natin yung lovers eh, ang iba sa kanila hindi nagtatagal, tayo kahit anong problema man yan, kahit selos pa yan, hindi makakasira yan sa pagkakaibigan natin. Solid tayo eh ~ tayo nila babes Jazz and baby Kei <3. Hindi ko alam anong sasabihin ako, nahihiya ako sa video mo, nag'abala ka pa talaga ha. Ang ganda ng kwarto mo, nagmana sayo!
Thank you Sis, kasi kahit malayo tayo naging tunay kang kaibigan sa akin, hindi mo ako kinakalimutan kasi sobrang busy ka sa hindi ko alam na mga bagay. Sana ngayong 2013, magkikita na tayo. SANA lang talaga :'( Bakit ba kasi ang layo ko noh? pero ayos lang, basta alam ko darating ang araw na magkikita din tayo.
Kapag nagkaload ako, tatawagan kita. Ayoko na maxadong pahabain pa toh kasi sobrang emotional na ako. HAHAHA :) Alam na, tutulo na naman sipon ko. Basta, lagi mong tatandaan na andito lang talaga ako, kahit anong problema, sasamahan kita.
I Love you so much SIS! Happy New Year and Happy Anniversary!