Rant #382: Ang tanga ko lng. Bobo pa talaga. Ako mismo yung nag desisyon na gawin to. Pero nag sisi ako sa huli. Hindi kasi ako marunong makinig sa mga magulang ko eh. nkaka frustrate. Andaming tao na inconvenience ko dahil sa desisyon na to.
First, pinalipat ko ang kapatid ko na graduating sa high school sa ibang school. Ang hirap nun. Late ko masyadong na realize kung gaano kabigat ang kasalanan ko sa kanya. Sayang pa talaga kasi ang ganda ganda pala ng edukasyon sa old school niya. *haays*
Second, anlaki ng nagasto ng mga magulang ko para lng matupad ang desisyon ko. Lumipat kasi kami. Ang mahal ng renta, tuition, pamasahe, lahat tumaas. Hindi ko talaga to na take into account. grabe, ang selfish ko talaga.
Nung time na nag desisyon akong lumipat ng school, di ko inisip lahat ng to. Ang inisip ko lang ang kaligayahan ko. Ang sarili ko. Ang bobo ko. Ang sama ko. Ansarap kong pektusan. XD
Kahit ilang beses pa akong mg sorry, hindi mababalik lahat sa dati. Sana marinig naman ako ni Lord. Kahit ngayon lng. Isang milagro lang. Kung pwede mabalik lahat sa dati. Kahit ano, gagawin ko para lang maibalik lahat sa dati. Kung kailangan, iiyak ako ng dugo para mabawi to lahat, iiyak ako. Maawa sana si Lord.
Ang dami kong natutunan sa experience na to. Na realize ko na I wasn’t thankful enough for the blessings I had back at home. I took everything for granted. My friends, my school, my life. I threw all of that away for such a selfish reason. Dahil di ko lang trip ang course. Akala ko makaka shift ako, pero it turns out, hindi pala. Ang tanga ko lng. Ba’t pa kasi akong pumayag? hindi pa ba ako nasanay na pag mga ganito, malabong papayag sila mama? Sana natuto na lang akong maging kuntento noon, hindi sana to nangyari.
I am filled with so much guilt and regret that I came to a point where I hated myself for being so self centered and selfish. Ang dami kong nasaktan na mga tao. Direct or indirect. Anlaki ng pagbabago kong nagawa sa mga buhay nila. Im so insensitive.
May mga times din na umiiyak ako. una, dahil sa sakit na nararamdaman ko. I felt soooo homesick kasi. I was in a new university tas 3rd yr transferee. Hindi ko kasi inexpect na ganito mangyayari. Akala ko nga na magkaka-friend na ako after a week. Pero wala eh. Kaya i felt so lonely and an outcast. Parang ghost ako sa school. Yung tipong alam mong nakikita ka nila pero para ka lang poste jan sa gilid. Medyo nkakahiya. huhu. Next, out of anger and frustration at myself for making this stupid stupid decision. And lastly, out of guilt.
I felt so angry at other people to pero mostly at myself. hahay. Ba’t walang ng warning sa akin na iba ang ibang school? Iba ang block sectioning? ba’t hindi ako na orient? TT-TT
Minsan, gusto kong may biglang magsasabi ng “joke lang! uwi na tayo” para mawala tong bigat sa pusong nararamdaman ko. Sana maawa na si Lord at ibabalik niya kami dun.
If life was a book and I was the author, I used permanent marker to write this story because no eraser could ever make this one undone. :(
I wish that life worked that way. Once you learn the lesson, you can go back and applied what you learned. But sadly, the bitter and awful truth that I have come to know the hard way is that life goes on. And in the grand scheme of things, all you can hope for is that things will get better. God has so much more planned out for you than you could ever imagine. It just takes time and patience to see all the blessings that he has given to you.
Ngayon ko nga lang na realize eh na God is truly merciful, kasi kahit ganun ugali ko nun, biniyayaan niya pa rin ako ng mga loyal and true friends. Mahirap yun hanapin :)
Ngayon, alam kong dapat i have to make do with what i have and be grateful for it. Kahit gaano mn to kahirap, gagawin ko. Pero hindi ko talagang maiwasang umasa na baka sakaling uuwi kami balang araw </3










