Ayaw ko sa malalakas na teams. Mas gusto ko underdogs. Mas gusto ko yung lahat sila ineexpect na sila yung matatalo kahit ako, pero lumalaban sila at eventually nananalo. Nakakatuwa panoorin. Kaysa pag malakas na team parang ang mindset ko na "Sus, wala na. Panalo na yan." Parang wala ng thrill kumbaga. May rule ako sa sarili ko na kung sino una kong mapapanood na team eh yun yung team ko. So sa PBA, una kong napanood, Ginebra. Ginebra naman si Papa eh. 9 years old ako nun, nag-champion sila nun. At yun yung last kong napanood silang mag-champion. Yung 2008 kasi di ko napanood. 6 years na kaming walang championship trophy. So, ang topic talaga ng post na to ay NBA team ko, ang Miami Heat. Hindi talaga ko natutuwang naging team ko sila. Panira ng underdog streak ko. 2010 ko sila unang napanood. Laban sa Chicago Bulls. Wala pa kong kilala pero natutuwa ko sa kanila. So, yung rule ko syempre kung sino una kong mapanood, yun team ko. Pwede naman akong mag-Bulls diba? Ewan. Mas napansin ko yung Heat eh. Hindi pa sila gaanong mainstream nun dito (or di ko lang alam lol) noon. Edi sinubaybayan ko sila hanggang Finals. Talo sila sa Dallas Mavericks. Hanggang sa ngayon, sinusuportahan ko sila. Gaya ng sinabi ko, ayaw ko ng malakas na team, katulad nila ngayon. Hindi naman talaga sila malakas dati diba? I mean yung matatawag mong title contender, mula noon hanggang ngayon. Nakaka-tatlong championships pa nga lang eh. Hindi katulad ng ibang team na kahit hindi na malakas ngayon, pag hinalukay mo record nila dati, marami ng championship trophy. Masyado ng mainstream ang Heat dito. Yung parang pag sasabihin mong Miami Heat fan ka sa iba, parang hindi sila naniniwalang tunay na fan ka. Katulad din ng pananaw ko sa iba, inaamin ko. Parang yung iba kampi malakas lang eh. Kampi sa Heat kasi malakas sila, kampi sa Heat kasi sila yung sikat. Hindi ako galit sa mga yun. Parang nage-generalize lang kasi na pag sinabi mong Heat fan ka meron ng doubt para sa iba (na meron din naman ako sa iba lol) Hindi ako natutuwang naging Heat fan ako. Hindi ako natutuwang napa-kampi ako sa malakas na team. Pero hindi ako nagsisisi. Kahit hindi ako natutuwa, medyo echos ko lang yun minsan. Kasi kahit sabihin ko sa sarili kong hindi ako natutuwa, pag team mo na talaga at napamahal na sayo, kahit underdog man yan o powerhouse team, matutuwa at matutuwa ka kapag nanalo sila, kapag nagcha-champion sila. Nagcha-champion sila, ine-enjoy ko lang. Kasi alam kong matatapos din yung time nila (parang ngayon na nga eh malapit na lol labyu guys). Pwedeng maghiwa-hiwalay na yung Big Three. Basta maraming posibilidad. Kaya enjoyin na lang habang nasa rurok ng tagumpay! Hahaha. Isa pang hindi ako nahihiyang aminin pero naiinis talaga ko pag naiisip ko, hindi ako nakakapanood ng NBA kapag regular season, playoffs, semis. Pili lang, mga pinapalabas lang sa ABS CBN na games at luckily madalas Miami Heat naman kasi nga mainstream sila dito so pag yun pinalabas nila, maraming manonood at nakaka-benefit naman ako kaya pwede na din hahaha. Wala kasi kaming cable!!! Sad life of a fan. Mabagal pa net namin pag livestream. Kaya hindi ko sila nasusubaybayan katulad ng subaybay ko sa Ginebra. Hindi ko tinatanggi yun. Hindi ako nakikisali sa usapan madalas sa NBA kasi wala naman akong alam. Ayaw ko sa lahat pag magsasalita ako sa isang bagay na wala naman akong alam, parang ang baba ng tingin ko sa sarili ko, feeling ko nagmamagaling ako. Maliban kung ECF or WCF at NBA Finals usapan, yun pwede pa ko makisali. Napanood ko naman eh. Pero para sa akin hindi nabawasan yung pagiging fan ko sa kanila kahit di ko napapanood yung karamihan ng games nila kahit gustong gusto ko, kahit tingin ng iba hindi ako totoong fan nila kasi onti lang alam ko sakanila. Ano naman magagawa ko kung ganun tingin nila? Pakabitan nila kaming cable, asahan mo, lagi akong nakatutok sa bawat laro nila. Kahit nga hindi ko team eh. Hahaha. Basta alam ko sa sarili ko na, hindi ako kumampi lang sa kanila dahil malakas sila o sila yung sikat dito kasi kabaliktaran naman yun ng gusto ko sa isang team, sila yung team ko kasi sila napamahal sa akin. Naks. HAHAHAHA. Kaya Heat kahit i-boo kayo ng homecourt fans nyo at layasan kayo ng maaga, nandito ako.. galit din sa ginagawa nyo ngayon. Jk! Hahaha. De, sa inyo pa din ako. Maliban lang kung kukunin nyo si Melo kung totoo man at kung matutuloy, ibang usapan na yan. Jk pero half true. Hahaha. (Nilagay ko muns sa drafts to pagtingin ko ang haba pala, marami pa sana kong ilalagay, pinaikling version na nga to eh. Tingnan nyo Heat kung gaano ko kayo kamahal, yuck. Hahahaha. Appreciation post talaga to kasi malapit na silang matalo. Hindi naman ako nagdi-dilang anghel. Think positive! Kaya pa sa 3-1. WHOO! At salamat sa pagtitiyaga na nakarating ka hanggang sa dulo ng post na to kahit nonsense pinagsasabi ko lol)